Simula ng bakasyon mga 2 araw lang ata ako nag karoon ng maayos na tulog, ganito kasi yan, mag pupuyat ka sa gabi, kasi yan lang naman ang night life mo ee bilang di ka bad girl/boy ang night life mo lang ay sa harap ng tumblr page mo o fb o twitter yan lang, walang maraming tao, maingay at patay siniding mga ilaw, pero ok na yan kesa magpaka maka mundo ka tandaan hindi natin alam kung kelan tayo aakyat sa langit, o kung aakyat nga ba tayo sa langit, alam mo na ba kung saan ka pupunta kung dumating man ung araw na yon??? balik sa topic eto na nga, aisshh dami kasi sinasabi eh, pero anyways sana napa isip kayo sa sinabi kong yon, ganito na talaga yan, matutulog ka ng umaga gigising ka ng tanghali kakain ka makakatulog hanggang bago mag gabihan, gigising ka ulit kakain babalik sa harapan ng tinatawag mo Night life at mag damag ka nanaman don, at hinding hindi mo maayos yan, unless nalang na di ka matulog ng hapon which is imposible lalo na kung buong araw ka naka kulong sa kwarto mo, para bang hinahatak ka ng kama kada nalang titignan mo ito, ung kumot mo ung mga unan mo may hotdog pillow ka pa nga na dantayan mo ee, kung wala kahit unan nalang hehehe, so un nga makakatulog at makakatulog ka, at dahil sa pag tulog mo ng hanggang gabi ng ala-sais ay sapat na ito para gisingin ka ng panibagong labing dalawang oras nanamn kung saan matatagpuan mo ang sarile mo na pinapanuod nanaman ang muling pag akyat ng haring araw sa walang katapusang kalangitan na nasa ibabaw mo, at as usual dito sa mga oras na to ka na makaka ramdam ng antok, at kahit gano pa ka inet ay gugustuhin mo parin matulog at mahiga, at ganyan ang stado mo sa bahay nyo araw araw maliban nalang kung gala ka eh malamang hindi ganyan pero kung katulad kong tambay sa sarileng bahay? hahaha ganyan na ganyan, at kung bakit ka tambay sa sarileng bahay? dalawa lang ang rason nyan, wala kang tropa i mean na malapit o talgang tamad ka lang lumabas o di kaya eh wala kang pera para lumabas ng bahay at ni isang piso ay di mo pa matagpuan sa wallet mo... boring ba? tulog ka nalang hahaha!