#fambam101 #RnR #parteeey

seen from Ukraine
seen from United States
seen from Italy

seen from Ukraine
seen from Italy
seen from United States

seen from United States

seen from United States

seen from Germany

seen from Malaysia

seen from United States

seen from Malaysia
seen from Germany

seen from Malaysia
seen from Türkiye

seen from Spain
seen from United States
seen from China

seen from Malaysia
seen from Germany
#fambam101 #RnR #parteeey
FIRST TIME NAMING MAG ENCHANTED NA KUMPLETO KAMING PAMILYA: The best!
Ang saya saya kahapon. Saktong 12 dumating yung kotse na inarkila nila mama. Tapos ready to go na kami. Dumaan kami sa Langkaan kasi mas malapit yun sa sm (SLEX ata yung daan namin nun papuntang Ek. Di ko sure. Basta yun na yun) Sobrang lapit na namin sa Sm. Nung inopen ko yung Camera napasabi ako ng “Shit! Mama yung memory card naiwan ko sa bahay!” So yun. Nabadtrip si mama tapos si papa eh chill lang (Normal na samin to) tas yun bumalik kami sa bahay tas kinuha yung SD card. Tas byahe na ulit. Nung sobrang lapit na talaga namin sa Sm at nasa intersection kami eh biglang tumigil yung sasakyan. Di ma start. Panic mode ulit. Natatawa nalang ako sa nangyayari. Mag 1 na ng hapon eh nandun parin kami sa intersection. Tas binubusinahan na kami nung mga nasa likod naming kotse. Di pa pala na ha-Hazzard (Basta yung sa kotse) mode ni papa. Kung di pa pinaalala ni mama eh baka binusinahan na kami ng binusinahan dun. Tapos yun tinawagan na ni mama si tito para itanong kung bakit ganon yung kotse. Tas after mga 10 mins eh naging Okay na. Habang nag da drive si papa tapos sobrang bilis Napapa “woah” “Pa!” “Huyyy” Ako. edi nabwisit na naman sakin si mama. para daw akong tanga eh. Hahahaha eh kasi naman nakakakaba naman talaga. Ang tagal na nung huling beses na nagdrive si papa tapos kami yung sakay. Sobrang bilis lang ng byahe. as in. kasi before 2 eh nandun na kami sa EK. Tas yun. Picture picture muna. Nakakuha pa sila mama ng discount sa ticket kasi may student at may balik bayan kaming kasama. Saya saya nun ni mama :)) Tapos pagpasok palang picture picture na kami. Umpisa palang ang saya na namin. (First time namin tong mag EK na magkakasama hahaha) Una naming sinakyan eh yung Anchor’s Away. Dapat kami lang talaga ni diane at xedric yung sasakay dun. Tapos nakita nalang namin sila mama na pumasok na dun sa Pila. Nung turn na namin para sumakay, dun na kami na papwesto sa pangatlo mula sa dulo. bale ang pwesto namin eh Xed-Ako-Mama-Diane-Papa. Nung umpisa nakakapag picture picture pa kami nila papa. Tapos nung sobrang taas na eh wala na. Hahahahahaha nangingitim na yung kapatid kong si diane dahil sa takot. HAHAHAHAHAHHAHA Kapit na kapit kay papa. tas si papa namumula na. Si mama naman sigaw ng sigaw. Grabe. Tas meron pa, yung nasa taas namin napasigaw nalang ng “Yung itlog ko nasa bibig ko na!” Putcha laughtrip eh hahahahah. Pagbaba namin eh si mama hilong hilo na daw Hahahahahahahah! Sunod naman naming pinuntahan eh yung rialto. Bet na bet ni papa puntahan eh mga 30 min. kaming naghintay sa pila. Green Lantern yung ipapalabas. Pagtapos naming makalabas dun sa Room na pinapanuoran napabulong si papa “Nasayang ang ilang minuto natin” Pero rinig naman ng iba. tawa kami ng tawa nun. Tas kinuha nalang namin yung picture namin dun. First souvenir namiiiinn. Nung nakalabas na kami ng mismong rialto, sabi ni xed sakin “Ate teka sasabihan ko lang yung mga nakapila ng SAYANG ANG ILANG MINUTO NIYO DYAN” napaka siraulo talaga ahahah. Sunod namiiiin yung disk-o Magic. Yun, kaming dalawa na naman lang ni xed yung sumakay. tas parang wala lang sa feeling. Charot. Sunod eh yung space shuttle. Takbo pa kami agad. kasi akala namin walang pila. AKALA lang pala talaga namin. Kasi pagpasok. Jusko. ilang ikot. Naka ilang ikot na yung ride bago kami. Nung nakasakay na kami tas unti unti nang inaangat kami pataas kinakabahan na ko. nung biglang binitawan kami jusko. Naiwan ako sa taas. Tapos naka dilat pa ako habang umiikot. Eh kinukuhaan yun ng picture diba. di ko alam kung anong itchura ko dun. Pagbaba namin eh umiikot yung tyan ko. Nakakahilo. Dahil wala pang nasasakyan si diane maliban sa Anchor’s Away, sinamahan naman namin siya ni xed sa Jungle log. As usual, di sumama sila mama. Tapos nung mej malapit na kami sa unahan, nag hatching si xedric. Pucha. Kadiri kamo. May lumabas na laway. Ang dami. Bwisit. Kadiri. Nung kami na yung nakasakay, parang tanga si diane. Mababa palang takot na takot na. Tapos nung dun na kami sa mataas sabi ko sa kaniya “Beh wag ka masyadong sasandal sakin ha” umoo naman ang bruha. Nung pababa na yung log namin sumandal sakin ng bongga. Ang sakit tuloy ng dibdib ko. Yung tali niya kasi parang bumaon sa dibdib ko. Kaloka. Masaya naman siya pagkatapos nun. Edi lamon lamon na muna kami. habang nakain kami lumabas yung mga singer ng EK. kanta kanta sila ganen ganen. Nung pagkatapos naghanap sila ng mga gustong maki join sa kanila sa Stage. Tumingin sa gawi namin. Edi ako kabado. Tas bigla kong sabi kala mama “Mama alis na tayo dito. Baka matawag ako” tawa naman sila mama ng bongga. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko diba? Nung pagkaalis namin nagtry muna kami nung mga palaro sa Ek na may bayad. Pagkatapos nun nagsakay kami sa RollerBlades keme keme na parang roller coaster. Selfie here. Selfie there kami. Grabe. Sabi pa sakin ni papa “Ate, ano? walang kasawaang picture?” O diba? Nung kami na yung sasakay dapat magkatabi kami ni mama sa isang upuan. (papa at diane, Ako at mama, xed magisa) biglang sabi ni mama “Nak kasya kaya tayo?” Hahahahaha! Parehas kasing malaki balakang namin ni mama eh. Nung umandar na kami nagsimula naring mag video si xed (kaya siya yung nasa unahan) Pucha si mama sigaw ng sigaw. ang ingay. tapos kami natatawa nalang sa kaniya. Akala mo naman sobrang taas nung sinakyan namin. HAHAHAHAHAHAHA. Tapos ayon sunod eh yung Extreme/Ekstreme/kahit ano nang spelling. Shet. Nung nandun na kami eh kabado bente na ko. Tas sila mama at diane nang aasar pa habang si papa nag pipicture. Nung bigla kaming binagsak eh jusko. Nanuyo yung lalamunan ko tapos naiwan na naman ako sa taas. Grabe. sinamahan ulit namin si diane sa rides na gusto niya. Yung mini extreme. Hahahaha parang kinikiliti tyan ko nun eh. Lol. Nung nakita namin yung pila sa Rio Grande eh dumiretcho muna kami sa Ferris Wheel. 2nd to the last ride namin bago umuwi. Eh mahaba rin pila. So yun balik kami sa Rio. Ang haba ng pila. super. tas nagdadalawang isip pa si mama kasi yun nga. mababasa kami pati yung mga gamit at camera. Buti nalang yung camera eh may cover. Ayan na! Kami na yung sasakay. Unang bagsak palang ng tubig, kay diane lahat hahahahahaha! nabasa kami lahat pero pinaka si diane. Grabe. Pati underwear at sapatos eh basang basa. Tapos nung nagpalit na kami ng damit eh parang sinumpong pa ko ng UTI. Gahd. Tas yun. Nung bumalik na kami sa sasakyan kwentuhan 101 kala mama. Tas tinanong ko si mama kung magkano nagasos namin. tas sabi nila ni papa “Okay lang na malaki ang magastos. basta masaya kayo” Oha. katats. Tas nakatulog na ko. nagising ako nandun na kami sa bayan nakahinto kami. Bumili pa pala si mama sa jollibee ng pagkain. Ang saya saya talaga kahapon. Iba yung saya kapag kumpleto kaming pamilya.