lahat naman siguro kapag nasa isang relasyon iisa lang yung simula, mula sa pagkakamabutihan, sa gentleness na pinakapakita sa isa't isa, yung sweetness na walang katapusan. pero simula pa lang kaya lahat bago, andun yung adjustment, andun yung nahihiya pa pero kapag tumagal na at unti-unti ng nakikila yung isa't isa, lahat ng nangyari sa simula ay unti-unti rin naman mababago. naka dependi kung may patutunguhan ba o wala. naka dependi kung kakayanin bang harapin lahat ng pagsubok at mananatiling matatag sa piling ng isa't isa.
Pero pano kung hindi, magiging bukas ka ba sa katotohanan na sadyang may mga bagay talaga na di nakalaan para lang sayo at may mga bagay din na kaya lang siya nag'eexist kasi may kailangan siyang ipamulat sayo. Mahirap man isipin at parang kay hirap din tanggapin lalo na't naging malapit at napamahal na siya sayo. Na sa bawat pag gising at hanggang sa pagtulog siya parin ang parating laman ng puso't isipan. Pano ba maging bukas kung may malaking puwang siya sa puso mo. Papano na yung mga plano, yung future, yung pinangako sa isa't isa. Yung mga alaala at mga masasayang moments niyo, nakakatakot isipin, nakakatakot isipin na baka bukas wala na siya, na nag iisa ka na ulit.