Tapos na // 07.14.15 // 09:07 pm
Wala na.. Ayoko na.. Suko na ako.. Sawa na ako.. Tapos na.. Tinatapos ko na lahat lahat ng sakit at hirap na nararamdaman ko.. Pagod na ako, ayoko na makaramdam ng sakit. Sawang sawa na ako :) Hindi ko na kaya mabuhay pa ng isang araw na gigising ako ng nasasaktan ako. Ayoko na :) Tama na yung mga nababalitaan ko tungkol sa inyo. Sobra na eh, nakakasawa na rin naman lalo na kung alam ko naman sa sarili ko na wala na kayong pakielam sakin.. Sa nararamdaman ko.. Na masaya na kayo.. I finally surrender. I give up. Suko na ako sa inyo. Pagod na pagod na ako sa inyo. Sana ngayon, maging masaya na kayo :) Binibigay ko na sya sayo. Wala na, wala na akong balak pa maghabol o ano. Oras na para bumitaw.. Hindi na ako aasa na may balikan na mangyayari kase matagal na akong naka kapit sa thought na yun at ayaw ko na. Pagod na ako sobra :) Oo alam ko, inabot na muna ng 6 months bago ako tuluyang bumitaw.. Wala eh, mahal ko kase.. Siguro oo ngayon, masakit.. mahal ko pa eh.. Pero ayoko na. Pagod na ako sa lahat, hindi ko na kaya. Kaya ngayon, I FINALLY SETTING MYSELF FREE.. FREE FROM EVERYTHING.. FREE FROM PROBLEMS.. PAIN.. LAHAT.. I AM NOW SETTING MYSELF FREE. Siguro ngayon, hahayaan ko na kayo pero alam ko sa sarili ko na kahit once hindi ko na kayang ibalik ang dati.. Friendship? Naaah. Ayoko makipag plastikan :) Nasaktan nyo na ako.. Nagkasakitan na.. Hindi ko na alam kung ano gagawin ko para mawala lang yung sakit na nararamdaman ko.. Tama na lahat ng nangyari.. Forgiveness? Ngayon kase hindi eh.. Malabo.. Siguro soon.. Balang araw.. Mapapatawad ko na rin kayo.. In god’s time kapag ok na ang lahat. Kaya ayun, enjoy life. Be happy. Thank you for everything.. Goodbye
PS. Last blog ko na ‘to tungkol sayo. I surrender












