“Mahal”
“Mahal.. Tama na.. Tigilan na natin to. Pagod na ako eh..” Tatlo.. Apat.. Limang buwan.. Isang taon.. Pero bakit ganito.. Bakit naaalala ko pa rin yung salitang binitawan mo sakin nung gabing binitawan mo ako.. Yung gabing akala ko hihingi ka ng tawad saking kung bakit mo nagawa yun.. Gabing umasa ako na pwede pa.. Na kaya pa.. Pero hindi.. Hindi pala..yun na pala ang gabi na tatapos sa kwento nating dalawa..
Naaalala ko noon, nung unang beses mo ako kinausap wala akong pakielam sayo nun na para ka lang isang hangin sa harap ko dahil wala nga akong pakielam sayo nun at asar na asar ako. Pinanindigan ko pa yung salitang “Ikaw nga ang ideal guy ko pero hinding hindi kita magugustuhan..”
Mahal.. Sobra akong natuwa sayo nun kasi hindi ka sumuko sa kakasuyo sakin para lang marinig mo ang matamis kong sagot na “oo, sinasagot na kita” at nung narinig mo yun,sobrang saya natin, na para bang wala ng kinabukasan kung magsabi tayo ng Mahal.. sobrang mahal na mahal kita.. Sana wag mo ako iiwan.. Dito ka lang sa tabi ko hanggan pagtanda natin ah? Forever tayo.. Iloveyou Mahal..
Ngunit ngayon.. Nasan na yung mga salitang binitawan mo sakin nung gabing sinagot kita? Nasan na yung mga ngiti na lagi ko nakikita sa tuwing tayo’y magkasama.. Mga kamay na para bang hindi kumpleto kapag hindi mo nahahawakan ang aking kamay.. Mga salitang mahal kita na sobrang punong puno ng damdamin..
Mahal.. Nasaan na.. Bakit tila ngayon ay napalitan na lahat ng mga salitang tatagos sayo na para bang sinasaksak ka ng paulit ulit.. Mga salitang alam mong hindi mo makakalimutan.. Mga salitang nagiging dahilan kung bakit gabi gabi akong nagpupuyat sa kakaisip at sa kakaiyak.. Mahal.. Anong nangyari at bakit tayo nagkaganito?
Gusto ko malaman kung saan ba ako nagkamali at kung saan ba ako nagkulang? Sa oras ba? Pasensya mahal dahil hindi ko man sila nabigay sayo sa mga panahon gustong gusto mo ako makasama’t makausap.. Pasensya kung hindi ko man naiparamdam sayo kung gano kita kamahal at kung gaano kita ayaw mawala.. Pasensya pasenysa. Mahal.. Alam kong hindi ko na maiibabalik lahat ng mga nangyari noon pero bakit..
Mahal bakit mo ako iniwan at hinanap sa iba lahat ng mga pagkukulang ko… Mahal bakit hindi mo pinanindigan ang salitang mahal kita at hinding hindi kita iiwan.. Mahal bakit.. Bakit bakit.. Handa akong punan lahat ng mga hindi ko naibigay sayo sa tamang oras pero bakit hindi mo ako hinantay at iniwan mo nalang ako basta basta.. Napaka sakit at sana malaman at maramdaman mo yun..
Mahal.. Baby.. Babe.. Bebe ko.. Asawa ko.. forever ko.. Mahal na mahal kita. Mag ingat ka ha? Wag mo papabayaan sarili mo. Umuwi ka ng maaga Kumain ka. Uminom ka na ng gamot.. Mga salitang gusto gusto ko muli sabihin sayo para maipadama ko sayo ang walang labis kong pag mamahal pero wala, wala na
Kase hindi ako sundalo para ipaglaban ka, hindi ako timang para paulit ulit kang balikan matapos mo ako saktan, hindi ako aso na susunod sunod nalang sayo at lalapitan mo para lang gumaan ang loob mo
Pero dahil mahal kita.. pero dahil mahal na mahal na mahal kita handa akong sumabak sa lahat ng giyera, sakit, kalungkutan at kamanhiran para ipaglaban ka.
Kahit anong pagsubok, aking haharapin upang maitama ko muli ang aking mga nagawang pagkakamali kahit isang beses man lang sa isang pagkakataon kahit hindi ka man muli maging akin..
Mahal ko, nasaan ka? Di ko maintidihan bakit ganito ang ginawa mo sa akin.. Isang pag kakamali lamang pero bakit mo ako sinukuan? Bakit mo ako iniwan? Pilit kong ginagawa ang sarili ko maging matatag para sa atin pero bakit hindi ko pa rin maintindihan kung bakit mo ako sinaktan.
Mahal, mahal na mahal kita. Madami man tanong ang nasa isip ko na bakit ganito ang nangyayari sa atin..
Mahal, mahal na mahal pa rin kita pero bakit sa tuwing naaalala ko kung gaano kita kamahal naaalala ko yung sakit na binigay mo sa akin..
Mahal, masakit at mahirap man sabihin na lalayo na ako at titigilan na kita pero sana kahit sa iisang pagkakataon, makausap man kita kung bakit tayo nagkaganito..
Lagi ko pinapanalangin na sana.. Sana sa susunod na magmamahal sayo, iparamdaman nya na kung gaano ka kasarap mahalin.. Na sana hindi ka nya paiyakin.. Na sana alagaan ka nya ng sobra sobra. Na sana mapunan nya lahat ng pagkukulang ko sa iyo. Na sana higitan pa nya ang pagmamahal na ibinigay ko sayo.. Na sana wag ka nya saktan at iparanas lahat ng sakit na ipinaranas ko sayo.. Na sana sa pag gising mo sa umaga, makita o marinig mo lang pangalan nya. kumpleto na araw mo.. At sana hindi ka nya iwan..
Pero ngayon ay dumating na ang araw na lagi ko pinapanalangin.. Mahal masakit pala.. Masakit pala Makita na ang dating mahal na mahal ka, may mahal ng iba.. Na ikaw dati ang inaalagaan, pinapahalagan, ngayon iba na.. Mahal sobrang sakit.. Sobrang sakit na isipin na ibang tao na yung sinasabihan mo ng “Mahal, mahal na mahal kita”. Sobrang sakit na makita kayong masaya na laging tumatakbo sa isip ko na, mahal dapat ako yan eh.. Dapat ako yung nagpapasaya sayo ngayon.. Dapat ako nagpapaalala kung gano kita kamahal.. Mahal.. Sobra pa rin kitang mahal.. Mahal na mahal pa rin kita kahit na may iba ka ng mahal at kahit sobrang sakit na..
Pero bigla kong naalala.. Oo nga pala, binalikan mo ako pero umiral yung sakit na nararamdaman ko kaya pinakawalan kita..
Hindi ko alam kung saan ako nagkamali at kung bakit kita nasaktan pero gusto ko lang paalam sayo na mahal kahit iba na mahal mo at kahit ganto nangyari sa atin, mahal na mahal pa rin kita.. Pero patawad.. Pinapakawalan na kita at ito na ang pinaka huling beses na susulat ako tungkol sayo..
11:34 pm, January 23, 2016
happy anniversary tula













