Gustong gusto kita.
Gustong gusto kitang patahanin sa iyong pagluha. Ngunit, di man lang kita makausap. Saan ba ako hahanap o huhugot ng lakas ng loob para kamustahin ka o kausapin ka? Dahil tila yata nakalimutan mo nako. Pero ako, ikaw parin. Sayo parin ang puso ko. Nawa'y ang mga dalangin ay malapit nang matupad at nang malaman ko kung dapat ba akong kumilos dahil baka sakaling may nakalaan pa para sa akin, para sa atin.









