cass and I were talking last night, tapos na open up niya sakin na there was a time pala nung nasa training siya, na nagtampo siya sakin. (i was insensitive about something)
earlier that day nainis ako sakanya kasi ang tipid ng replies niya. mali ko kasi he’s in training tapos bawal pa talaga dapat sila mag phone, pinipilit niya lang makausap ako. inaway ko pa siya :(( ito yung reason ng tampo niya.
anyway fast forward to that night, nung nakita niya daw yung chat ko sa notifications niya, balak niya daw babasahin niya nalang sa notifs and di niya na ako rereplyan. but he read it, tapos it was about me having a really bad day, then katatapos lang namin mag usap ng therapist ko nun, I told him how that went, na the past few days have been so mentally draining.
tapos sabi niya nung nabasa niya yun, he immediately set his tampo aside para i-comfort ako.
:((((((((((
minsan napapaisip talaga ako kung deserve ko ba yung the way niya ako itreat at mahalin.
sobrang genuine at precious ng jowa ko, nakakaiyaaaakk












