Nung bago pa lang tayo, ang daming tanong, daming comments ang narinig ko galing sa ibang tao. BAKIT AKO? BAKIT IKAW? BAKIT TAYO? Sa panget ko noon, at sa bilis na naging tayo, BAKA NABIBIGLA KA lang dahil broken hearted ka pa nun. Nakakaangat din un looks mo, maputi ka, negra ako (lol gang ngayon?) Talented ka, talentless ako. DI TAYO BAGAY. 💔 Mas lamang yung AYAW NILA SA'KIN kesa sa AYAW NILA SA'YO. At yung 3 MONTHS lang daw itatagal natin (Challenge accepted! 💪). Rebound pa ang status ko nun. Alam ko. Ramdam ko din yung mga tinginan nila sa'kin tuwing magkakasama tayo, like "Girlfriend niya?". Pero ayos lang lahat un, tiniis ko, bagkus nag effort ako (sa mga di po nakakaalam, parang ako ung nangligaw, at ang hirap manuyo ng moody ah 😂), nagpakabuti ako, nakisama, nagpaputi, nagpaganda (hindi na ko chaka Babe!🎶), tumaba-pumayat, para naman deserving ako sa'yo (sa kapogian mo) 😂. Di rin talaga ako sigurado noon kung tatagal tayo, dahil complete strangers talaga tayo (kaya laking pasasalamat natin kay @ulytit23 sa pagpapakilala niya sating dalawa! Thank you Beh! 😁). I took the risk. Kung sinukuan ko siguro un feelings ko, at nagpadala sa insecurity, di tayo aabot ng 3MONTHS to 3x2 YEARS. Di mo rin siguro ako mahal na mahal ngayon. 😂 Happy 6th Anniversary Mahal! I love you Moon of My Life! 😘 #fromCrushtoBoyfriend #fromStalkertoGirlfriend #fromReboundAndNowBoundToForever Hashtags brought to you by . . . 👫











