FAQ you!
Mga waley na tanong na mga 74635242546757453 na beses nang naitanong sa akin:
Bakit ka umalis sa Mapúa?
MAHIRAP
- Bukod sa mahirap don (seryoso mahirap talaga Algebra pa lang bagsak na, bobo eh), wala na rin akong pang enroll, kami mahirap lamang, wala akong tatay, sa bangketa lang kami nakatira, hahahahahahahaha!!!!! Churot. Basta yon, sa byahe din, aba sinong hindi hihina ang baga kung 7 days a week yung pasok mo 2 hours byahe (totoo yung 7days/week shunga pa kami kumuha ng schedule nung time na yun), kailangan ko mag tricycle, jeep, LRT, jeep, lakad, tapos ang pagdadaanan ko hindi biro! Usok sa kalye, putok ng construction worker, usok ulit, mataas na sikat ng araw, pag minalas pa BAHA. Hahaha! But I'm not saying na I've had the worst time of my life while at Mapúa, in fact, miss na miss ko na yung mga kaibigan ko and the fun (SILA LANG), they're the ones who made my stay worth remembering. We're still the best of bros and bumabalik pa rin ako don at inaalala yung mga pagdurusa best times ko don.
Mahirap ba don?
- Nahihirapan ako kada itatanong to sakin. Basta lang.
Saan mas madali? Sa TIP o sa Mapúa?
- I would say pareho lang. MAS magaan lang sa TIP kasi semester, 18 weeks per sem over 10 weeks per term sa Mapúa so yun.
Sino mas masaya kasama? TIP friends o Mapúan friends?
- I will leave this unanswered here! *wink
Bakit wala ka pang boyfriend?
Hindi ko alam.
- Ang hirap kasi sabihing walang nanliligaw! Hahaha!!! Hindi talaga ako gustuhin. Landiin oo (oy ah), madami talagang lumalandi sakin (sumakit batok ko bigla), yung makikipag kaibigan at makaka-close ko, merong mga label na lang yung kulang, meron mga parang kami na talaga, pero hindi (assumera lang ako), hindi sila nanliligaw, hindi rin ako umaamin. So basically, nganga. Wala. Walang lovelife, never nagka lovelife. Crush madami. Mga inspirasyon sa paggawa ng nakakakilig at emo na posts dito sa tumblr at twitter at facebook.
Baka choosy ka?
- Aba nakuha pang fumollow up! Baka may ma-choose? Wala ngang pagpipilian eh! Punyeta.
Bakit ang haba ng pangalan mo?/ Saan nakuha yang pangalan mo?
- Hindi ko alam, hindi din alam ng nanay ko, patay na tatay ko, sya yung nag-pangalan sakin. Sayang no? Brainiely Anne Nicole, there must be a story behind, pero wala, wala lang memasulat lang sa birth certificate.
Kulot ka talaga?, Bakit ang haba ng noo mo?
- Eto yung mga tanong na hindi ko alam kung nagtatanong o nanlalait lang.
Bakit ang hilig mo sa mga artista at singer?
- I am one bored fucker who buries herself in looking at God's amazing creations. Actually hindi lang sa mga artista at singer, parti sa kung anong nakaka bilib at nakakatangang kaganapan sa mundo. Mahilig ako mangialam, wala eh.









