Kailan ka kaya mapapasakin? Ang tagal ko nang naghihintay pero wala pa ring nangyayari.

seen from China
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United Kingdom
seen from United States
seen from Argentina
seen from Albania
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Germany

seen from Australia
seen from T1
seen from Russia

seen from Switzerland
seen from China
seen from Iraq
seen from United States
seen from United States
Kailan ka kaya mapapasakin? Ang tagal ko nang naghihintay pero wala pa ring nangyayari.
FAQ you!
Mga waley na tanong na mga 74635242546757453 na beses nang naitanong sa akin:
Bakit ka umalis sa Mapúa?
MAHIRAP
- Bukod sa mahirap don (seryoso mahirap talaga Algebra pa lang bagsak na, bobo eh), wala na rin akong pang enroll, kami mahirap lamang, wala akong tatay, sa bangketa lang kami nakatira, hahahahahahahaha!!!!! Churot. Basta yon, sa byahe din, aba sinong hindi hihina ang baga kung 7 days a week yung pasok mo 2 hours byahe (totoo yung 7days/week shunga pa kami kumuha ng schedule nung time na yun), kailangan ko mag tricycle, jeep, LRT, jeep, lakad, tapos ang pagdadaanan ko hindi biro! Usok sa kalye, putok ng construction worker, usok ulit, mataas na sikat ng araw, pag minalas pa BAHA. Hahaha! But I'm not saying na I've had the worst time of my life while at Mapúa, in fact, miss na miss ko na yung mga kaibigan ko and the fun (SILA LANG), they're the ones who made my stay worth remembering. We're still the best of bros and bumabalik pa rin ako don at inaalala yung mga pagdurusa best times ko don.
Mahirap ba don?
- Nahihirapan ako kada itatanong to sakin. Basta lang.
Saan mas madali? Sa TIP o sa Mapúa?
- I would say pareho lang. MAS magaan lang sa TIP kasi semester, 18 weeks per sem over 10 weeks per term sa Mapúa so yun.
Sino mas masaya kasama? TIP friends o Mapúan friends?
- I will leave this unanswered here! *wink
Bakit wala ka pang boyfriend?
Hindi ko alam.
- Ang hirap kasi sabihing walang nanliligaw! Hahaha!!! Hindi talaga ako gustuhin. Landiin oo (oy ah), madami talagang lumalandi sakin (sumakit batok ko bigla), yung makikipag kaibigan at makaka-close ko, merong mga label na lang yung kulang, meron mga parang kami na talaga, pero hindi (assumera lang ako), hindi sila nanliligaw, hindi rin ako umaamin. So basically, nganga. Wala. Walang lovelife, never nagka lovelife. Crush madami. Mga inspirasyon sa paggawa ng nakakakilig at emo na posts dito sa tumblr at twitter at facebook.
Baka choosy ka?
- Aba nakuha pang fumollow up! Baka may ma-choose? Wala ngang pagpipilian eh! Punyeta.
Bakit ang haba ng pangalan mo?/ Saan nakuha yang pangalan mo?
- Hindi ko alam, hindi din alam ng nanay ko, patay na tatay ko, sya yung nag-pangalan sakin. Sayang no? Brainiely Anne Nicole, there must be a story behind, pero wala, wala lang memasulat lang sa birth certificate.
Kulot ka talaga?, Bakit ang haba ng noo mo?
- Eto yung mga tanong na hindi ko alam kung nagtatanong o nanlalait lang.
Bakit ang hilig mo sa mga artista at singer?
- I am one bored fucker who buries herself in looking at God's amazing creations. Actually hindi lang sa mga artista at singer, parti sa kung anong nakaka bilib at nakakatangang kaganapan sa mundo. Mahilig ako mangialam, wala eh.
Buhay pa kaya yung boyfriend ko? :-( Baka nalunod na... sa piling iba. De joke. Baka nalunod na sa bora. :-(
ISANG MALAKING REQUIREMENT PARA SA AKIN ANG MAG "GWIYOMI"
Ganid at makasalanan ba ako kung susubukan kong sauluhin ang Gwiyomi? Hindi naman sa balak kong gumawa ng video at iupload din sa youtube para humakot ng madaming views at magpasikat. Wala lang. Trip trip lang. Maalin lang naman kase yan sa magmumukha kang cute o katawa tawa. Pero hinding hindi ko isasakripisyo ang dignidad ko para lang jan. Ilang taon akong pinalaki at pinapag aral ng magulang ko tapos makikita lang nila akong nag giGwiyomi? Anong sasabihin nila?
"Hindi pa nga hugas ang pinagkainan nagawa mo pang mag Gwiyomi?! Lumayas ka sa pamamahay na ito! "
Ang sakit nun para sa isang nanay. At ayokong gumising kinabukasan na hindi masarap ang pang ulam ko.
Mga limang minuto bago ko isulat ito, narealize ko lang na kelangan ko talagang sauluhin ang Gwiyomi. Wala lang. For emergency purpose lang. baka isang araw may biglang kumidnap sakin at ang tanging paraan lang para makalaya ako ay kung kaya kong mag Gwiyomi habang tinatanggal ang lubid na nakapulupot sa leeg ko. Atleast nailigtas ko ang buhay ko. Maipapagpapatuloy ko pa ang aking legacy--- Ang palaganapin ang tunay na pag-ibig sa mundo.
soon.
Siya: Break na kami. :(
Ako: So?
Para maramdaman ng bawat tao kung gaano kasakit ang masaktan at maloko. Para kapag handa ka ng magmahal muli at dumating ang taong nakalaan talaga para sa'yo, hindi mo na hahayaang mangyari yun ulit. Mas pahahalagahan niyo ng sobra ang isa't isa. Mas poprotektahan niyo yung relasyon niyo at hindi na hahayaang matulad pa sa iba. Mas mararamdaman mo kung gaano kasarap ang magmahal at mahalin din ng pabalik. Dahil alam mo na kung ano ang pakiramdam ng masaktan at maloko. Parang exam, kapag bumagsak ka dahil nandaya ka, alam mo na sa sarili mo na kailangan mo ng mag aral ng mabuti para sa susunod na kukuha ka, siguradong makakapasa ka na.
Hi Drafting. Mukang mangangayayat ako sayo.
Scumbag brain: "Hey! You like this guy?! Let's act awkward in front of him!"
Being the frank, silly, and sarcastic person I am. I always know how to make everything a joke. Malalakas kami mang-asar mga kaibigan ko, lalo na pag may crush yung isa kay ganito ganyan. To the point na tinignan mo lang ng 5 seconds yung tao, YIIIEEE, CRUSH MO NA SYA NOH! Nagpasama lang sa canteen, nag-abot ng nahulog na panyo, notebook, ballpen: YYIIIIIEEEE!! SILA NAAAA!!! Buti nga hindi nagkakapikunan eh. Kasi yung iba gustong-gusto naman!
Yun na nga, bilang malakas din akong mang-asar. Pag ako na yung inaasar, nakiki-ride on lang ako. Sinasadya kong magkanda-duling sa kilig at nagiging E lahat ng vowels, ENEBE! DE NEMEN EH! :"> , para may mapagtawanan nanaman kami. Meron din nung malalanding usapan:
Random guy friend: Sino ba talaga crush mo?
Ako: Ikaw nga!! :">
Lahat sila: YIIIIIEEEEE!!!!
Pero biruan lang namin yon! At hindi naman nawawala yun sa mga magkakaibigan.
JOKES ARE HALF MEANT, oo minsan totoo yan, pero iba yung joke ng kaibigan mong kengkoy na pangkatatawanan lang, iba din yung joke na may malisya, yung joke na pa-simpleng da moves. Ang problema, pag totoong crush mo na. Magagaling lang kasi pag biruan eh, pero pa'no pag totoo na? Kaya mo pa bang makipag-biruan?
Syempre pag inasar ka nila sa TOTOONG crush mo, mako-conscious ka, matatameme, MAHIHIYA, maiisip mo pa'no kung iniisip nyang FEELING NAMAN NETO. Baka ma-turn off sa'yo, syempre akala nya tropa LANG kayo eh. In short, PRANING. Nakaka-praning ang asarin kay crush! Windang mode ka lage. Sunod nyan, hindi mo na sya kayang tignan ng diretso sa mga mata, then hindi mo na sya kayang kausapin, kung mag-usap man kayo, isang tanong isang sagot lang, dun na eeksena si salitang AWKWARD. Nakakainis kasi, crush mo nga sya diba, so gusto mong mapalapit sa kanya by having long conversations, kahit pa non-sense yung pinag-uusapan nyo, eh kaso tong magagaling mong kaibigan malalakas mang-asar kaya di ka maka-diskarte.
Kaya as much as possible, pag may crush ka, crush lang, keme lang, dyan lang sya, dyan ka lang din, wag mo ipa-alam kahit kanino. Gumagana lang yun ng siguro 3 days. Hahaha! Ang hirap kaya itago! Sunod nyan sasabihin mo na kay bestfriend, tapos mahahalata nung ibang mong malapit na kaibigan! Tapos asaran na. May mga tao pa naman na madaling ma-awkward sa harap ni crush.
Just keep it cool. Edi maki-ride on ka na lang. Kausapin mo pa rin nang kausapin si crush. Tapos batukan mo yung mga kaibigan mong malakas mang-asar. Ang hirap kasi nung tagong-tago ka sa kilig mo kay crush, pero yung mga kaibigan mo halatang halata!
Pero wala talaga kong crush don. Wag nyo ko asarin don. HAHAHAHA!! Tseh!