Tiwala.
Eto. Sa love, eto lagi ang isyu. Sa pagkakaibigan, eto rin.
Ang hirap mapaghinalaan na sinisiraan mo ang isang tao, lalo na kung kaibigang matalik mo ito. Mahirap din akuin ang kasalanang hindi mo ginawa.
Ang tunay kaibigan, di marunong mang backstab yan. Once na ginawa niya yun, di na yan tunay na kaibigan. Kahit gaano pa man kasama ang ugali mo, pagtitiisan ka niyan. Sasabihin sa'yo harap-harapan kahit nakaksakit ka na. Wala kasi silang ginusto kundi ang ikabubuti mo.
Alam mo yung masakit dun? Kung sino pa yung inakala mong pwede mong pagkatiwalaan, sila pa yung manloloko sa'yo. Ang sakit. Minsan, ang hirap tuloy magdesisyon kung magtitiwala ka pa, o hindi na.
Ikaw, sino paniniwalaan mo? Ang ka-close mo na dati mo pang kilala, o ang isang bagong kaibigan na di mo masyadong nakakasama?











