Mga rason kung bakit nakikipagbreak ang mga lalaki.
Okay. Una sa lahat, sa paningin ko lang to. BABAE(kahit di halata) po ako. Kumbaga, "written in a girl's perspective" to.
1. Masyado silang nasasakal.
- Dito pumapasok yung issue sa Tiwala. Syempre, hindi natin maiiwasang mga babae yung pagdududa sa mga lalaki kung may iba man sila o wala. Madalas, eto yung pinagaawayan sapagkat kulang, o kaya naman, ay wala talagang tiwala ang babae sa lalake. Feeling kasi ng ibang babae, porque di lang nagreply si lalake, may iba na agad. Eto yung tipo na bawat galaw ng lalaki, kailangan alam ni babae. Maliligo't maglalaro lang, kailangan alam agad. Kailangan din nila ng space. Paalala lang: Hindi sating mga babae naikot ang mundo ng mga lalaki. Marami pang mahahalagang bagay sa mundo, hindi lang tayo.
2. Feeling nila, neglected sila.
- Eto naman yung sobrang luwag ni babae, na di maramdaman ni lalake na mahal nga siya ni babae. Kabaliktaran to nung nasa taas. Minsan, kailanganan din nila ng lambing ng isang babae. Tao rin yan. Hahanap hanapin din niya yan.
- Eto yung "Cat-and-Dog" relationship. Yung tipong wala ng ginawa kundi magaway, magsigawan at magkatampuhan. May limitasyon ang isang tao kung gaano niya kayang tumagal sa isang bagay. Once na sumobra na siya dun sa limitations niya, asahan mo na ang pagbabago niya. Nagiging malamig na, at minsa'y iiwan ka na talaga.
4. Nagbabago si girlfriend.
- Hindi na kilala ni lalake ang kanyang girlfriend. Kung dati, super sweet siya; Ngayon, naglaho na. Maraming factors ang nakakaapekto dito. Mga kaibigan, busy sched at minsan, pamilya din. Dito madalas nangyayari yung "Falling Out Of Love" na situations. Nakakasakit na kasi minsan ang pagbabago, lalo na kung palala ito. Siguro nga "Nothing is constant, except change", pero kung magbabago man, para naman siguro ito sa ikakabuti di'ba?
5. Nakita niyang mas mas masaya yung girlfriend niya sa piling ng iba.
- Eto yung pinakamasaklap na rason para sa mga lalaki. Kasi kahit gaano man nila kamahal ang kanilang girlfriend, kung sa iba naman siya sasaya, wala silang magagawa kundi palayain ito. Walang hinangad ang isang boyfriend kundi ang kasiyahan ng girlfriend niya, kahit na masaktan na siya.
Marami pang rason, maliban pa sa mga yan.
Hindi porque lalaki, sila na ang rason kung bakit sila nagbreak nung girlfriend niya. Minsan, nasa ating mga babae rin kung bakit. At hindi rin porque lalaki, sarili lang nila ang iniisip nila. Iniisip lang nila ang ikakaginhawa ng girlfriend nila.