Fan girl mode!
Kanina habang nasa sm department store kami, naglalakad, naghahanap ng bag for school, bigla ako napatigil, at natulala, gusto ko magsalita pero hindi ko magawa kasi na star struck ako, nakita ko kasi si Gary David. Yung tipong tinitigan ko lang siya tapos nung nakalagpas na siya sa akin dun ko lang nasabi sa mga kasama ko na "Si Gary David oh!" wala lang sobrang natuwa ako kasi basketball fan ako eh. :-) tapos mayamaya naman lumipat kami sa trinoma kasi wala kaming nakita sa sm na magandang bag and shoes, nung paakyat na kami ng escalator bigla kong nakita naman si neri and chito (oh bawal magreact! Lalo na kung ginagawa mo din naman yung mga ginagawa nila. Kaya quiet ka nlng ha? Lalo naa kung hindi din naman maganda ang sasabihin mo.) fan ako nila kasi ang sweet nilang dalawa, sorry inlababo din kasi ko! Pero sa mga nakita kong mga personalidad na yan, hindi naman ako nag ask na magpapicture with them kahit na gusto kasi meron din naman silang sariling buhay na kailangan nating respetuhin. Hindi porket sikat sila eh kailangan natin silang dumugin, isipin din natin minsan na normal lang din silang tao na katulad natin, na yung amoy ng utot nila eh kaparehas lang din ng atin na mabaho. :-)












