Bakit may mga taong... Ano ba ang tamang word? Hm.. Gaya gaya o Sawsaw?
I mean, kunwari. Ako, may gusto akong artista, gusto nadin niya/nila? Kapag kinikilig ako sa isang tao, kinikilig na din sila dun. Kapag may magandang nakita, ginagaya. Tapos kapag galit ang isang tao, sasawsaw sila sa galit. Maggagalit galitan nadin. BAKIT GANUN?!
Ano bang advantage ng panggagaya? Well, ayoko kasi ng ginagaya ako. Kunwari sa mga crush mo. Syempre, kung artista naman crush mo, okay lang. Pero 'wag naman yung ako pa yung nagmumukhang nanggaya sa crush nila. Gets niyo? Hahahahaaaay.
Tapos yung mga may nakita lang na maganda sa iba, ginaya na. Kanta, kilos, galaw. Haaaaaaaaysusnako!
Kapag ba galit siya, dapat galit ka na din? Kambal ba kayo? Iisa emosyon niyo? Halulululu? Nako nga. Nakaka-high blood ka. Gatong ka pa. Hindi yung ipaintindi mo sa iba yung sa tingin mo reason kung bakit hindi naka-reply o anuman.
Hm. Feeling ko tuloy ang plastic ko kasi hindi ko 'to masabi sa'yo. Eh paano ka naman gaganahan magsabi sa isang taong hindi marunong makinig? Ma-ooffend pa. Edi 'wag ka nalang magsalita, di ba? Sabi nga ng mga nanay, "'Wag na magsalita kung walang magandang sasabihin."