September 2, 2014
hindi ko ma explain yung nararamdaman ko. sobrang nagpapasalamat ako kay Lord dahil pinapakita Niya sa'kin kung gaano Siya ka-buti sa buhay ko. hindi nangyayari ang bawat araw ng aksidente lang eh. sabi nga God is a God of purpose. sa bawat tao na nakaka sama natin araw-araw, it's either may purpose sila para sayo or may purpose ka sa kanila..and it's a blessing. katulad na lang nung Monday..nagpunta ako sa school ng walang inaasahang makakasama..pero dumating si ate Mae..feeling ko kaya kami nagkita dahil nalulungkot sya..wala siyang kasama..and nag catharsis sya ng konti..at alam kong gumaan yung pakiramdam niya and after that, natulungan ko pa sila ng konti sa stats para sa thesis nila.. tapos ngayong araw na to, pumunta uli ako sa school kahit wala akong gagawin..wala lang gusto ko lang..tapos ang galing..nakatulong ulit ako, tapos ang dami kong nalamaaan. at yung mga nalaman ko na yun..yun mismo yung mga bagay na nakapag parealized sa'kin na super blessed talaga ako..kahit na minsan walang pera..may problema sa pamilya, kaibigan at mga personal pa.. wala pa sa kalingkingan yun nung mga pinag daanan nung mga taong nag share sakin. grabe. as in. alam mo yung mapapa thank You Lord ka dahil ang bait ni Lord sa buhay mo. nagpapasalamat talaga ako kay Lord. hindi ko sinasabing hindi blessed yung mga nakaranas ng mas mabigat na problema..dahil nalampasan nila eh..ang point ko is may mga taong may mas mabigat na pinag dadaanan kesa sayo..kung may problema ka sa pera, sa pamilya, sa boyfriend/girlfriend mo..o sa kaibigan mo, sinasabi ko na, wala lang yan. para hindi ka ngumiti at mawalan ng pag asa. may mga taong may mas mabigat na pinag dadaanan pero naka ngiti pa rin at punong puno ng pag-asa. Hindi sapat ang problema para hindi makapag pasalamat.
magtiwala lang tayo kay Lord at lalo natin Siyang mahalin :)
thank You Lord for letting me na ma-meet tong mga taong to. salamat din po sa tiwala nilang magkwento at marealized ko ang mga bagay bagay.









