Tanong at Sagot
Sa tuwing tatanungin mo ako kung bakit ayaw ko pang umuwi, iisa lang ang sagot ko. Yun ay dahil gusto ko pang makasama ka ng mas matagal. Alam ko na hindi natin masasabi kung ano ang meron sa tadhana. Maaring may masamang mangyari sa iyo o sa akin, at ayokong magsisi na hindi ko pinili ang makapiling ka ng mas matagal. Gusto kong maramdaman ang bawat segundo na tayo ay magkasama. Gusto kong maramdaman mo na lahat ng sinabi ko ay totoo at hindi magbabago, kahit ilang beses mo pang itanggi ang mga ito.
Makasarili mang isipin pero ganon ka kahalaga sa akin.














