Gumising ako ng 6:00 am kasi kumuha ulit ako ng garden soil sa bukid. Napansin ko kasi na hindi na lumalaki yung mga kamatis. Masiyado daw kasi dikit dikit sabi ni ina. So ililipat ko sila sa disposable na baso.
Nakakapagod pala to. Jusmeyo! Sobrang dami nung sibol ng kamatis. Pinili ko na lang yung mejo malalaki na.
Naubos na yung baso pero andami pa din sibol na kamatis. So binalik ko sa seedlings tray yung iba. Pero 3 pcs na lang nilagay ko per hole. Nung tinanim ko kasi yon basta ko na lang binuhos. 😂
Puno na yung seedlings tray at mga baso. Pero andami pa din natira. Di ko na alam gagawin ko. Haha. Itatanim ko na lang muna siguro kahit saan kasi sayang baka mabuhay pa naman. 😂
Ayaw ko pa kasi ipalipat sa bukid kasi madalas umulan. Baka mamatay lang.
And after 5 hrs, saka lang ako natapos mag repot. Pero tumigil din kasi ako ng 30 mins kanina kasi may meeting sa work. Siyempre priorities, dun tayo sa may sweldo. 😂
Plano ko din itry yung hanging na tomato plant pag mejo lumaki na mga to.😊
Nakakapagod magtanim pero satisfying lalo pag sumisibol yung mga tinanim mo. 🌱😊