I was watching again (in the nth time) my one of my favorite anime series "Slamdunk" hindi ako nagsasawang ulit uliting panoorin to lalo na yung mga kagung-gungan ni Sakuragi at kagwapuhan nina Rukawa, Miyagi, at Mitsui hehe sayang lang at hindi ito tapos sa anime 'kundi sa manga lang. Hindi daw kasi nagkasundo ang creator at animation pagdating sa laban sa Interhigh. Ayon kasi sa creator ng Slamdunk hindi nanalo ang Shohuko sa Interhigh pero ang gusto ng animetion studio na dapat manalo sila sa Interhigh pero ayaw ng creator kaya hindi na natuloy sa anime pero natapos ang story sa manga. Sayang lang dahil hindi tapos sa anime. Bakit ba kasi hindi nila nirespeto yung gusto ng creator? Malay mo naman gusto nya pahabain yung story atsaka 1st year pa lang naman si Sakuragi doon eh. I wish na sana matuloy na yung anime adaption ng Slamdunk miss ko na maglaro ang Shohuko.









