Mahal kong bayan, bakit ka nagkakaganyan? Anong nangyari sa dati mong kinang? Saan napunta ang karangyaan mong taglay? Tuluyan ka na bang ginapos at pinatay ng mga karumaldumal mong mamamayan? Pangarap ko sa'yo ang pag-unlad, Ngunit para bang ito ay laging mailap. Alay ko sa'yo isang pangakong tunay. Handa kitang ipaglaban, hanggang sa ika'y muling maging Perlas ng Silangan.













