Di pa man dilat ang araw, dilat na ang mga mata ni Cheru. Nagaantay nalang siya ng tawag mula sa dance studio na malapit niya ng arkilahin para sa kanyang dance practice sa susunod na araw. Ayaw niya man may magturo sa kanya, matindi ang pangangailangan niya ng isang dance choreographer. Hindi siya si darna at hindi niya rin kayang gawin yun ng wala si Ding. Alas nuebe ng tumawag ang facilitator ng lugar. May bukas daw ang schedule na choreo nun. Pumayag na si Cheru, kesa naman maghabol pa siya, sayang ang oras. Pagdating niya sa dance studio, may isang binatang lalaking tila ay tinatamad na nakahiga sa may bandang control room. Nanlilimahid ang lalaki sa pawis habang nakatingala sa kisame. Mali nga ba si cheru ng napasukang kwarto? Hindi. Dali daling tumayo ang lalaki ng naramdaman niya na di lang siya nagiisa sa kwarto. Hindi pa man nasilayan ni Cheru ang mukha ng lalaki, naunang tumatak sa isip niya ay ang ilong nito. Wala kaseng pinagkaiba pag nakaharap at nakatagilid. Ng humarap ito kay cheru, nanlaki ang mata niya. Hindi pa siya nakakita ng taong kasing tikas ng mukha niya, sobrang tikas na hindi na nga gumagalaw. Nagpakilala ang lalaki kay cheru, ng kinalaunan nakilala niya at nagngangalang Kai. Isa sa pinaka magaling na choreographer sa lugar nila. Pumayag narin si Cheru since may 70% off siya, duon palang alam niya na na magaling nga si Kai. Kase may discount >:) Magdamag silang nagpractice. Sa magdamag nayun, walang natutunan si Cheru. Bakit? Nadidistract kase siya sa katawan ni Kai na palaging lumalapat sa kanya. Anong tipo ba ng sayaw? malamang tango. Na ipagpatuloy pa sa mga sumunod na araw ang tagpo. Subalit, may dumapong sakit sa binata. Hindi pa alam ang tawag duon pero lumiit daw ang mga kasukasuan pati mga tadyang. Nalungkot si Cheru sa nangyari. Hindi niya maatim na makita si Kai ng ganon. Kahit papaano, may naitulong ito na madistract siya sa routine, pero feeling niya mahal na nga niya. Sa mga huling sandali ng pagliit ni Kai, idinila niya ulit ito sa dance studio kung saan sila nagtagpo noon. Niyakap niya ito ng mahigpit at sinayawan. Hanggang sa lumiit nalang si Kai ng lumiit, at naging isang butil ng sesame seed. /careless whisper/








