Magandang Umaga, Lucban!! Tama po, sa isang iglap ay narito na po ako sa Bayan ng Lucban. Nagkaroon ng emergency na kailangang asikasuhin, bitbit ko ang ilang importanteng dokumento sa pag-aasikaso ng amilyar. At ito, kasalukuyang nagmumuni-muni kung sisimulan ko na ba mag-workout. Nakapaglinis na ng isang banyo mula nang magising ng alas-quatro ng umaga. Mayroon pa akong tinapay para sa almusal, natira sa baon ko sa biyahe. Isang impromptu long drive, medyo na-miss ko yung adrenaline rush ng pag-overtake sa mga bantulot na driver sa zigzag na nakabuntot sa mabagal na truck o kaya tricycle. Kapag madilim na kasi, predictable na ang mga kasalubong na sasakyan. Hinahabol ko rin na hindi ako masaraduhan ng bayan, dahil hindi ko tiyak ang lagay ng curfew. Basta hinabol ko lang na makarating ng Bayan bago mag-alas otso ng gabi, bilang alas quatro na ng hapon ako naka-alis ng Marikina. Ok, tama na ang muni-muni. Sige na nga, mag-workout na nga ako. Nagsisisi ako ng slight na hindi ko binitbit yung workout mat ko. Proteksyon din sa lower back ko yun. Oh well! Mamaya naman ay sasaka pa ako sa aming linang upang mabisita kung tuloy ba ang may pasinaya doon. ❤🧡💛💚💙💜 #HelloLucban #mootravels #solobaliw (at Lucban, Quezon Province) https://www.instagram.com/p/CCCPL_Qha_gu65vYeg_rPKXooKRw5L-gCrshfE0/?igshid=bcqwg2srs43g










