Ate
Last week pala, nanaginip ako. Nakatulog sa sobrang haba ng avail time. Mga more than 50mins lang naman. Haha. (sino bang gusto umalis sa ganitong klaseng call center?) lol. Anyway.
Nanaginip ako na may ate daw ako. Dalawa lang kami ni kuya at 8 years pa ang tanda nya sakin. Kaya lagi kong iniisip kung pano kaya kung may ate ako? Kasundo ko kaya sya? Kasama kaya sya sa bonding namin ni mama? Hehe.
Sa tumblr, marami akong gustong maging ate. Kaya kung hindi ate ang tawag ko sa kanila, miss. para magalang. Hehe.
Gusto kong ate yung type.. outdoorsy.. Yung tipong ipagtatanggol ako pero kikay.. Maarte.. Haha.. At mabibigyan ako ng baon kapag wala na akong pera. Lol!
Kaya yung mga tinatawag kong ate dyan at miss.. Alam nyo na.. Haha. :p











