Are you the one who’s believing in love? Waiting for the right person to come? You thought that he’ll be gonna your partner for a lifetime and not just for the meantime? But it turns out that it’s still not the one who prepares for you. Eventually you chose the wrong person at the right time.. and the right person at the wrong time..
PANSAMANTALA 10/_/17
Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkatagpo tayo
Puso kong tila’y nakaupo, bigla nalang tumayo
Ang buhay kong ito ay naging masigla ng dahil sayo
Pag-ibig ko man ay handang ialay para sayo
Kahit sa buhay ko’y ikaw lamang ay isang dayo
Ikaw na naging isa sa mga inspirasyon ko
Ang naglalagay ng ngiti sa mga labi ko
Ang nagbibigay liwanag sa kadiliman ko
Na naging dahilan ng sigla at kasiyahan ko
Ngunit ng malaman kong puso mo’y nakalaan na pala sa kanya
Kalungkutan ang pumalit sa mukha kong masaya
Puso mo’y nakakulong na pala sa iba at di na pala malaya
Iniisip ko tuloy na bakit ko pa kaya?
Bakit ko pa kaya isinisiksik ang sarili sapagkat di naman pala ito kasya?
Sayo ako nakatingin ngunit nasa iba ang yong mga titig
Di mo man lang binigyan nga halaga itong aking pag-ibig
Ikaw ang sinisigaw ng damdamin ngunit iba ang sinasambit ng yong bibig
Sana’y iyong mapansin ang kabog ng puso kong ito at ang aking mga tinig
Puso ko man ay naging masaya subalit ito nama’y wasak
Nang dahil sa iba ang mahal mo na para akong sinaksak
Tanging palayain at limutin nalang ang aking binalak
Sana itong tulang ginawa ko sa puso mo’y tumatak
Paalam ko sayo’y may ngiti sapagkat di naman sa akin ang huling halakhak