Okay. Nabasa ko na. Lahat lahat. Grabe. Ang bigat. Nakakagulat. Hindi ko lang siguro inakala na aabot tayo sa puntong ganto. Kasi kung magtawanan tayo pag magkakasama, parang walang magiging problema. Sobrang hirap at sobrang sakit na may isa nang umalis. Alam kong napangunahan tayo ng galit at iba’t ibang opinyon. Misunderstanding. Pero naasa parin ako na maaayos agad natin to. Problema lang to. Problema lang. Kaya natin to. Kung gaanon tayo kabilis tumawa, ganon din natin kabilis na maayos to.










