Last thursday, gawa ng biglaang paramdam ni tropang katangahan, naipit ako sa isang bwiset na component sa loob ng printer na nire-repair ko. Grabe wala man lang babala. Late ko na nalaman na nangangagat pala siya. Pinadugo niyang mabuti yung daliri ko bago pakawalan. Pagtingin ko,medyo nahiya ako kasi nakatingin rin pala sya sakin. Shet Kadiri!! parang mata!! Medyo na-curious pa nga ko’t parang gustong buksan dahil mukhang may matutuklasan akong isang mundo’t isang posibilidad na sikreto ng kasugatan. Buti nalang at natauhan ako nang maramdaman kong ang sakit pala kaya hinugasan ko na saka pumunta sa guard para humingi ng gasa. At pati si manong nadiri. Tumitibok tibok pa kasi. Haha eew.
Pagbalik ko sa office, pinatambay muna ‘ko ni boss, mukha raw kasing malalim yung sugat ko. At as usual, dahil natengga’t walang ginagawa, nagka labasan nanaman ng hinanakit ang mga brain cells ko at napagpasyahang mag senti mode. Kainis! Kesyo may mga nalulungkot dahil naiisip na ang pagkakaroon ko ng sugat sa hintuturo ay pwedeng maging dahilan ng pagbabago ng daily routine ko. Maitutulad daw sa isang tao na nakasanayan mo nang nandyan pero bigla nalang nawala. Sa sakit na nararamdaman pag minsang nasasagi si forefinger, ay tulad ng sakit sa minsang pagsagi ng taong yun sa isip ko. Pati na rin ang sakit isipin na parang kulang na ko ngayong wala si forefing lalo na sa paggawa ng mga bagay na minsa’y sya ang Bida. Sa pagpi-piano, sa paggigitara, sa pagsundot ng kung anumang masusundot, at pati na rin sa pagja jargon. Tulad din ng kakulangang naramdaman nung biglaang nawala si —— nung mga panahong halos sa kanya ko nalang inasa ang panghuhugutan ng tuwa at saya ko. In short, beedung beeduh na sya sakin.
Di kalaunan, napagod din ang mga kupal sa pag eemote. At sa dinami dami ng mga mala electrons kong braincells ay may isang lumitaw na mas pabida sa lahat ng mga pabida. Sugo raw sya ni kalokohang Pag-asa... Eto na sya at nagsimula nang magdadadakdak. Sinubukang linawin ang lahat sa malabong paliwanag. Sa paggaling ng sugat ko sa gamot na oras at panahon, gayundin ang pagkawala ng sakit na iniwan ng taong umalis. Pero palaging may dalawang posibilidad na magiging dahilan ng pagkakatanggal ng sakit na yon; ang bumalik siya at ipagpatuloy ang pagiging parte nya sa libro ko,
o ang makasanayan kong wala na talagang “siya” sa buhay ko at magpatuloy ako.
Sa ngayon, wala namang ibang inaasahang lalabas sa akin kundi ang salitang “Bahala na”. Kaya patuloy na magiging kanina ang bawat ngayon, at maging ngayon ang bawat sasalubunging mamaya. Tao lang. Mabubuhay sa kasalukuyan. Ngingiti. Tatawa. Magmamahal. At walang takot na sasaluhin ang mga paparating na parang hindi natuto. Hay. Sarap mabuhay :D
Pero NAKNAMPAKER DE PUTSPA!! Saket pa rin ng sugat ko >__<</p>