Nagkawalaan (Poe-ART-ry) Viro Giernald Encinares Bacungan 1-AOM
Tagu-taguan, maliwanag ang buwan,
Sa ilalim ng mesa sumisilip si Juan.
Tayo’y maglaro ng tagu-taguan,
Saan naman kaya sumuksok si Ma’an?
Wala sa likod, wala sa harap,
Maghanap sa dilim ay sobrang hirap.
Pagbilang kong sampu nakatago na kayo,
Saka nalang uli, kailangan na naming umuwi.
isa…dalawa…
nagtatago pa sila...
tatlo…apat…
nakapwesto na ang lahat...
lima…anim…
nawawala si Kim!
pito…walo…
baka nandun lang siya sa kanto
siyam…sampu...
parang bula siya ay nagalaho.












