Bakit masarap magmahal ng nurse?
Dahil sila alam nila ang gagawin nila sa oras na nagkasakit ka.
May instant doktora/nurse ka.
Handa silang magpuyat maalagaan ka lang.
Kung ibang tao naalagaan nila ikaw pa kayang taong mahal nila?
Sila yung unang magagalit kapag nagpasaway ka dahil ayaw mo uminom ng gamot.
Sila yung taong malalambing.
Kakaibang pagmamahal ang nararamdaman kapag sila ang kasama.
Asahan mong hindi ka nila iiwan.
May isang salita sila. Kapag sinabi nilang mahal ka. Mahal ka talaga nila.
Dahil bawal magkamali ang nurse, dahil ang buhay ng ibang tao ay nakasalalay din sa kanila.
Kung sa pag-ibig, pipilitin din nilang hindi magkamali, at tandaan mong ikaw ang doktor ng puso nila. Kayong dalawa ang magtutulungan.