And hello! I am somehow relieved. Kasi kahapon iyak lang ako ng iyak, hindi makausap at tulala. Naranasan ko na naman ang mabigo and this time MATINDING PAGKABIGO. Ang tanging dahilan lang naman ay di ako nabigyan ng pagkakataon maging BSA student. Ang sakit lang! Ako kasi naniniwala ako na pag gusto mo ang isang bagay, mag-eexcel ka dun. All this time, naniwala ako na gusto ko ang Accountancy, pero bakit ganun? Oo, mahirap ang subject pero bakit hindi ko kaya? Bakit hindi ako nag-eenjoy? Ewan ko na nga ba sa sarili ko, matagal ko nang iniisip yan pero nagpapasalamat ako kay God kasi at least sinampal niya na sakin yung katotohanan na hindi ito para sakin. Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala sa isip ko na gusto ko mag BS Pharmacy pero ano gagawin ko? Nandito na ko, 2 years nalang ggraduate na ko, hindi na ko pwede bumalik sa umpisa, maaapektuhan ang scholarship ko at nakakahiya sa nagpapaaral sakin. Ipagpapatuloy ko nalang ang Internal Auditing kasi sa totoo lang maganda naman talaga ang course na 'to, pwede pa rin naman ako magBSA ng one year sa ibang school, and if I will have the chance sa UP ako magbBSA. :) Whew sabi nga nila, double degree. Hindi naman ibig sabihin na di ako nakapasa, eh bobo na ko. May mga tao pa ring naniniwala sa kakayahan ko lalo na si GOD. Hindi niya ko pababayaan, eto yung tinuro niyang way, so I'll take it. Sabi nga ng mama ko, "ok lang yan anak, hindi naman ibig nyan di ka na magaling, sadyang di mo lang kaya. Mag-aral ka nalang ng mabuti, alam ko naman yung paghihirap mo dyan. Then my tears fell, potek KATOUCH! Tapos eto naman sabi ni Ate Roselyn, "Wag mo na masyado isipin yan ha, talagang ganyan ang buhay. Di lahat ng pagkakataon panalo. Minsan kailangan din nating matuto sa pagkukulang natin at problema. Simula palang yan. Basta wag ka susuko. Magsisisi ang FEU, hindi ka nila pinasa". HAHAHA natawa ako dun sa huli, umiiyak na nga ako bigla akong natawa. :) Super salamat talaga kay God, may mga tao paring sumusuporta sakin. At proud akong sabihin, hindi man ako BSA, FULL SCHOLAR pa rin ako! :D
Para naman sa FCKYTJ, congrats Frazelle and Clarissa. Daya niyo nang-iwan kayo, chos! :) Pati kay Faye, congrats, galingan niyo ha. Kaya niyo yan.
To Krisilog and Thijeibeybe. HELLO! YEHEY! CLASSMATES pa rin! Wag kayong mag-alala, palagi niyo pa rin akong kasama, di ko kayo papabayaan hehe. Tulungan tayo hanggang graduation! :)