Inner Child.
One day naguusap lang kami ng mga ka-officemates ko kung ano yung "Inner Child" ng bawat isa na feel namin na dapat i-heal namin, it may through buying that expensive things or travel to somewhere na may snow, something just like that.
And then a minute of reflection, narealize ko kakaiba pala talaga itong inner child ko, na napakahirap makamit at feeling ko napaka-impossible talaga…
It is meeting my Cruz family.
Yes I'm still hoping and praying that I'll meet them again. It was a longing, yearning and napakalaking void talaga sa pagkatao ko dahil I didn't saw Papa for the last time. Tho, may nangyari naman pagkikita last 2013 through my OJT (See my #Revelation Post) dito parin sa Tumblr ay parang may kulang parin talaga sa Chapter na iyon na feeling ko may isusulat pa si Lord para dito.
I am writing this also kasi it's been 23 years na wala si Papa and dumaan na naman ang loneliest event ng taon para sa akin and that's Valentines Day (February 14). Naging life song na nga sa akin every darating yung araw na yun yung kanta ng the Script na "If you could see me now" dahil sa lyrics nito na:
"It was February 14, Valentine's Day The roses came, but they took you away Tattooed on my arm is a charm to disarm all the harm Gotta keep myself calm but the truth is you're gone And I'll never get to show you these songs Dad, you should see the tours that I'm on I see you standing there next to Mom Both singing along, yeah, arm in arm" …
Andaming "What ifs" kapag naiisip ko si Papa at kung nakikita niya pa ako, proud kaya siya sa lahat ng nangyayari sa buhay ko? na feeling ko gusto ko i-validate through my other family. Kasi ako sobrang proud talaga ako kanila, kasi yun ang iniwan sa akin ni papa na memory with them He was sooo proud, Lalo na with that one brother ko na na-meet ko sa OJT ko. Naiisip ko pa nga na if ever darating yung araw na maglalakad ako sa isle, kung pahihintulutan ni Lord gusto ko siya ang maghatid sa akin sa harap ng altar kung nasaan ang mapapangasawa ko… Grabe pang telenovela na talaga itong buhay ko na ito HAHAHAHAHA and sobrang hopeful ako kasi nagawa nga ni Lord na mag krus ang landas namin sa dami ng opisina sa Makati, diba?
So ayun hihintayin mo nalang talaga kung may update dito sa paragraph na ito hehe (hopefully)
02162025 - Sunday
Supposedly mag-leave dapat ako sa araw ng Heart's Day dahil ewan ko ba habang patagal ng patagal nilulugmok talaga ako ng araw na ito dahil sa mga naaalala ko tuwing sasapit ang araw na ito, kaso dahil tight ang budget mas pinili ko nalang magpa-late at yakapin ang araw na ito. Gusto ko din sana pumunta sa mismong araw ng death anniversary ni papa baka kasi ito na yung araw na bubuo sa akin kaso iba talaga si Lord gusto niya Siya ang Director weh. So ito na ngaa sa araw na yan di ako mapakali Kahit 12 nn na ng tanghgali at 4 na oras pa ang biyahe pa Bulacan ay sinadya ko talaga si Papa (hehe di alam nila mama). Tamang munimuni sa biyahe and praying na umokay ang panahon kasi maulan. Dumating ako ng mga mag 4 ata and stayed there for an almost an hour, umaasa na may darating at makakausap sila kaso pagdating ko Nakita ko agad bukas ang gate ni papa, newly painted and may apat na candles and 2 flowers na nakapaso. Naka-visit na sila… Gayunpaman, masaya akong naka-bisita kay papa kasi parang gumaan yung pakiramdam ko. Lahat ng bigat sa puso ko kinuha niya, kasi sa araw na iyon nare-kindled si acceptance at peace sa mga bagay bagay sa buhay ko. Pina-gala niya lang talaga ako kasi lagi nalang daw akong nagmumokmok sa apt ko at mabawasan na ang pagiging "Malungkutin Girl" ko.
So ayun, uuwi na sana akong may kapayapaan sa puso mga mag 5 pm na yun ng hapon, kaso di ko alam naglalakad na ako palabas sa tahimik na sementeryo ay may nakasalubong kong Fortuner ata yun na may HAZ sa plate number and nakaramdam na naman ako ng lukso ng dugo. Ewan ko ba ganto yung feeling ko nung na meet ko si brother sa OJT ko kahit di ko pa alam ang name niya. Naramdaman ko na naman ang weird feeling na ito. At tinitigan ko talaga yung sasakyan nung pagkasalubong sa akin kasi walang ibang sasakyan kaso tinted hehehe di ko alam kung babalik pa ako to confirm things kaso gagabihin na ako kasi may dadaanan pa akong delivery sa barkada ko. Naisip ko rin nag-iwan naman ako ng marka na naman, at kung darating ang panahon ready na sila to reach out me, at kung darating man talaga ay andito lang naman ako sa gedli hehehe Inaapply ko lang talaga yung acceptance, kasi sabi ni direk, uwi daw muna ako para masulat ko tong paragraph na ito hehehehe It was hard alam ko. And ayaw ko mabago ang tingin nila kay Papa lalo't nat may mga apo nadin naman sila papa. Pero sana dumating ang panahon ay mapatawad na nila ako…
And that's for 2025! I hope I can still make you proud Pa!
Basta alam mo na yung wish ko Pa! <3 labyuuu
"And there are days when I'm losing my faith Because the man wasn't good, he was great He'd say music was the home for your pain And explain, I was young, he would say "Take that rage, put it on a page Take the page to the stage Blow the roof off the place" - The Script.
P.S. and yes nanghinayang ako kaka concert lang ng the script bago mag feb 14 di ako nakanuod dahil di ako updated huhuhu
.. and with that I'll take this rage and put this all in pages.
//adoreyoupauline. 02192025; 12:48 am















