Girl Issues
Nag-away kami ni Labs kahapon. All about dun sa babae na girlfriend ni Benjo. (bestfriend ni Labs) Nakita daw sila nung girlfriend ni Benjo saka siya na magkayakap. Pero hindi naman daw talaga siya yun. Nangyari daw yun 1 am pagkatapos nila magswimming. Nung nalaman ko yun. Nagalit ako. As in galit. Una, kase hindi niya sinabi sakin na 1 am na siya umuwi. Namuti ang mata ko sa kakahintay kung anong oras siya uuwi. Nakatulog na nga ako kakahintay eh. Tas di man lang siya magtetext. Hays. Pangalawa, bakit hindi niya sinabi sakin na may issue palang ganyan? Nakakainis lang kase ako open na open na sakanya tas siya hindi. Magdadalawang taon na kami ni Labs na magkarelasyon tas hindi niya pa masabi sakin yung mga ganitong bagay. Nakakagago lang. Pangatlo, bakit lagi nalang siyang nauungkat sa mga babae? Sawang sawa na ako sa mga ganyan niyang issue. I should be numb nga eh. Kase sa dami ba naman ng issue niya? Hindi ko lang maintindihan sa sarili ko eh. Kung bakit umiiyak parin ako at nagseselos. Parang hindi ko na nga siya kilala dahil sa mga issue niya eh. Para bang hindi na siya yung rigel na minahal ko. Lately, nagiging cold na siya sakin and minsan, he doesn‘t care na nagtatampo ako. After kong sabihin lahat ng nasa utak ko sakanya, he said that he was sorry sa mga nagawa niyang kasalanan. He was just protecting the girl from Benjo‘s mom. (Bc benjo and his gf had sex kaya ang akala nung nagsumbong, si Labs yung kasex nung gf ni Benjo pero hindi naman daw talaga siya yun. It was Benjo.) Instead of getting angry again, inintindi ko nalang. Ayaw ko na kase palakihin yung issue. Kahit na big deal naman talaga para sakin yun. At the end of the day, nagkaayos na din kame at nagkapatawaran.














