Charot106. Second Choice.
Namimiss na raw ni @ilovebitterness 'yung ganito kong mga posts, kaya magpopost ako ulit.
Naranasan mo na bang maging reserba? Ang sakit lang. 'Yung malalaman mong pinili ka lang kasi hindi available 'yung first choice niya? Nung una, akala mo, ikaw talaga yung pinili. Tapos malalaman mong ginawa ka lang pamalit. Ako naranasan ko na 'yan. Ang saya ko pa nung una kasi ako 'yung napiling i-last dance, tapos malalaman ko na lang na kaya ako ni-last dance kasi may kasayaw na 'yung balak niyang i-last dance. Sakit lang dre~ Siguro, hanggang second best lang talaga ko.










