Dama mo ba
Sa bawat kilos ko ang nais kong iparating
Bawat indayog ng katawan
Bawat hinga at bawat impit
May pahiwatig.
Hindi lamang simpleng tawag ng katawan
O nasa ng laman
Ngunit ang puso koy sumisigaw
Nag - aalab. Nagmamahal.
Nagmamahal bagamat nasasaktan.
Nasasaktan pagkat tayo ay tapos na
Dahil alam kong pinipili mo na sya.
Sa huling pagkakataon ay hinayaang makalaya ang sarili
Abutin ang rurok na kasama ka dahil ito na ang huli
At bukas sa pagsikat ng araw
Ibabaon na lamang sa alala ang lahat
Iwawaglit na ang lahat ng kahibangan.
Oh Mahal kita.
at dahil mahal kita...
nawa'y maging maligaya ka sa kanya.













