Note: I have written this a few years back. Nakita ko kase yung pinagsulatan ko and somehow until now, this is my plea. So yes, sa makakabasa, don’t judge. Hahaha..
Simulan natin sa, paalam.
Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon,
Kahit anong pilit ko, ang sakit sakit banggitin sa harap mo ng mga katagang,
Hindi ko alam kung bakit, pero ang hirap magpaalam sa’yo.
Tangina, gusto kong sabihin sa sarili ko, ano ba! Hindi ka naman tanga, pero bakit ang hirap para sa’yo?
Bakit para bang may nakabara dito sa lalamunan ko sa tuwing uumpisahan ko ang mga salitang,
Dalawang salita lang naman ‘yan pero para bang bawat letra ay may kaakibat na espada.
Espadang tumutusok, tagos hanggang buto, na nagdudulot ng sakit at kirot sa buong pagkatao ko.
Tumutusok at ipinadarama sa buong katawan ko ‘yung sakit na kalakip ng mga salitang,
Sampung taon, baka nga higit pa.
Hindi ko na alam talaga, tanga ako sa Math ‘di ba?
Basta, hindi ko alam kung ilang taon na.
Ilang taon na nga bang ikaw ang mahal ko at pinipilit kong magpaalam na sa’yo?
Na ikaw ang nagbibigay ng saya at lungkot sa mga mata at labi ko.
Simula noong sinabi mong “Mahal kita” at patuloy mong ipinadarama hanggang sa umabot sa wala na itong kasiguraduhan.
Simula noong ako ang pinili mo.
Pinili mong mahalin at saktan ng sobra.
Mahal kita pero kailangan ko na magpaalam na.
Mahal kita pero kailangan ko na tapusin na.
Pero kailangan ko ng magpaalam na.
Dahil mahal, tama na, ayoko na.
Ayoko ng maghintay sa isang taong hindi naman sigurado.
Ayoko ng maghintay sa isang tao na hindi kayang manindigan sa kaniyang gusto.
Ayoko ng maghintay sa isang tao na nagsisinungaling sa sarili nya mismo.
Ayoko na, tama na, lalo kung hindi din naman ako ang pipiliin mo.
Ayoko ng hintayin ka pa, mahal ko.
Dahil mahal, mahal ko din naman ang sarili ko.