Happy (June 21 2015)
So this day is father's day but for me its a different day. Yesterday "Her" called me and ask what was I suppose to say. I keep bugging her actually on instagram by sending him pictures when I miss her or I feel something about that particular picture. Its just for me to cope with my feelings. How I can handle them. So finally she called. I really just want to say im sorry for the things i've said when I was drunk. I just miss her so much so even if just friends for now is fine with me. But I screwed up. I kept saying things to her that made her ignore me again. But finally yesterday she called. We talked for hours. Reminiscing the good old times. Andami ko palang epic moments. Nahiya tuloy ako bigla pero she keeps laughing so okay lang. (How I miss to hear her laugh) I was sick that day pero nung nagkausap kami hindi ko naramdaman lahat ng sakit. Kahit may pinagdadaanan akong mga problema it went away when nung magkausap kami. Then need na daw niya matulog. I ask her out if by chance pede kami magkita tomorrow. She said titignan pa daw niya kasi maraming siyang gagawing reports then I said okay. The next day. Around 1:20pm ako nagising. Nagtext siya "Simba" tapos 12 miss call. Sorry hindi ko nasagot agad. So dali dali akong tumawag pagkagising palang. Nagsettle kami na 3pm magkikita. Inalok kong sunduin siya pero ayaw niya sa ramon nalang daw kami magkita. Biglang umulan nung umalis na ko dinala ko yung sirang foldable kong payong na si kero. Nakarating ako dun tinext ko nasiya. Habang nagaantay ako sa waiting shed. Muli kong naalala yung dati. Yung pakiramdam na hinihintay siya dun. Yung feeling na excitement na ano kaya suot niya? Yung kinakabahan kung ayos lang ba itsura ko. Nung dumating siya hindi ko alam pero napangiti ako. Naalala ko lang nuon yung nararamdaman ko talaga kapag nakikita ko siya. Hindi ka parin nagbago. Ang ganda mo parin. Mabango at nakakapukaw ng sama ng loob. Sa araw na ring ito RIP kay kero dahil iniwan namin siya dahil sira yung payong at may dala naman siya. Her: Bawal naka short sa simbahan. Him: Pwede kasi si papa kapag nagsisimba naka short. Her: Eh. Basta magpalit ka ng pantalon. So pumunta kaming valley 2. Inalok ko siya na samahan niya ko samin tutal kapatid ko lang tao dun pero sa mini stop nalang daw siya magaantay so pumayag ako. Tumakbo ako at nagmadali. Ayoko naman pagantayin siya ng matagal so kung ano nalang na pantalon sinuot ko. Malas ko lang naiwan ko sa shorts na suot ko yung atm at earphones ko sa kakamadali. Balak naming pumunta sa southmall dahil dun kami nagsisimba sa labrador church. Nasa gilid lang yun ng SM. From valley 2 to lopez nilakad namin. Habang naglalakad... Him: knock knock Her: ......... Him: knock knock, whose there? Winnie the pooh, Bang bang winnie the pooooooh~ ~ Her: smiles* Ganito kasi kami mag knock knock walang sasagot tapos yung mag jojoke siya tatapos nung jinojoke niya anyway. Sumakay kami ng jeep pa southland. May katabi kami may hawak na bata. Si her unang tinamaan ng payong tapos ako nung pinupunasan ko yung paa no Her tinamaan din ako. Tapos yung bata nakakatakot kasi baka mahulog sa jeep ang likot kasi. Habang nasa jeep kami. Kinakabahan ako kasi magkatabi kami. Tinitignan ko yung kamay niya. Gusto kong hawakan. Gusto kong maramdaman. Pero may napansin ako. Namumula yung forearm niya. May mga kagat ng insekto. Tinanong ko tuloy siya. Makati daw. Ako naman nagworry. Parang rashes kasi. Ito na. Nasa southmall na kami. Una namin ginawa is tinignan kung anong oras showing sa sine 6:00 pa naman yung mass kaya may oras pa kami manuod. Haba ng pila sa bilihan ng ticket haba din ng pila sa pagwiwithdrahan sa atm. Pinanuod namin yung "Just the way you are" Okay siya infairness pero kaya siya okay kasi kasama ko si her. I miss this feeling I get kapag siya kasama ko manuod ng sine. I saw pano siya kiligin kay enrique. Selos ako a. Pero okay lang ang cute ng reaction mo e. Right at this moment I felt like we're back just like before. How we are in each others company. No worries no heartache. I even held her hand. Embrace her. Even the smell of her hair. Its nostalgic. God how I miss her. I really dont want this day to end. I just want it to be this comfortable. Hindi ko na kinaya kaya sabi ko nalang sa sarili ko gagawin ko kung anong gusto ko. Kung ano ginagawa namin before. Kung ano magpapakasaya sakin. After the movie nagsimba na kami. Papunta sa simbahan magkahawak yung kamay namin. Nung nasa simbahan I let her lay back saakin. Sumandal. I keep staring at her the whole time. I keep thinking to myself I dont want to lose her. Even as a friend. So i've decided that im gonna pursue this. I know my feelings are real. I fully understand the consequences. At that moment talaga I kiss her sa buhok niya. I hope naramdamn niya feelings ko. Thats the time na decided na talaga ako. Hindi na namin tinapos yung mass pauwi na kami ng may makita kaming bilihan ng damit. May nakita kaming mga dress na magaganda. Sinukat niya isa isa. Pinicturan ko pa yung iba. Gustong gusto ko dun yung suot niyang black kaso maikli. Saka yung pambata yung cuts. Bagay na bagay sayo. I was really a fool before to hurt you. I never really forgot how beautiful you are. Bumili siya ng 4 na dress tapos babalik pa ulit kami next week para sa shorts naman. Pauwi na kami. Before sinasakyan namin para makauwi ng mabilis is southland then lopez. Pero now nagbus kami kasi dati yung ang sinasakyan namin kasi alam namin na matagal yung biyahe at malayo. Saka andaming memories kapag ganun ginawa namin. Deep inside ko tuwang tuwa ako kasi mas matagal ko siyang makakasama. Sa loob ng bus picture dito. Picture doon. Natutuwa lang ako kasi namimiss ko yun. Mahilig kasi si her magpicture. Even this bus ride going home is like a dream to me. Parang bumalik kami sa dati. Sumasandal siya saakin. Magkahawak kamay namin. Natulog siya sa shoulders ko habang yakap ko siya. Haaay I miss this. I miss you if pede lang talaga ibalik to. Kaso sabi mo friends. Ayaw mo pa magkaroon. Is it okay to be beside you like this. I just want this. Like this with you. I want you. Nasa coastal na kami sumakay kaming fx. Grabe sikip sa gitna. Inalok ko siyang sumandal pero ayaw niya. Kaya sabi ko sakin ka nalang sumandal. At ayun sumandal nga siya. It was like before. Ganun kami kapag masikip yung sinasakyan naming fx. Hiniram niya yung phone ko nageedit siya ng pictures niya. Pagkatapos may nakita siyang picture sa gallery ko. Yung pictures ko sa bar kasama ate ko. Yung pictures namin ni ina. Di ko alam kung bakit pero kinabahan ako. Naiisip ko baka kung anong maramdaman ni Her. Baka kung anong isipin niya dun. Gusto ko sana ipaliwanag para walang misunderstanding. Tinanong ko siya. Him: Wala ka bang itatanong sakin? Her: Wala. Him: Wala talaga? Her: Wala. Him: Okay ka lang ba? Her: Oo. Nanahimik nalang ako. I held her hand she held back naman so i felt everything is all right. Pero yun napansin ko nagbago mood niya. Hinayaan ko nalang. I called her name to steal a kiss from her. Pero tumungo siya para umiwas. Thats the time I felt something is wrong. Inantay ko nalang makakababa sa fx. I suddenly felt sad again. Its ending. Matatapos yung araw namin na somethings wrong. So I tried confronting her before siya sumakay ng trike at makauwi. I ask her ano to. Masaya tayo. Masaya ka ba ngayon? Sabi niya oo daw masaya. Sabi niya friends lang. Sabi niya ayaw pa daw niya muna magkaroon. So sinabi ko I get that pero pipigilan mo ba kong ligawan ka ulit? Sagot lang niya basta friends muna. Then I stopped. I dont want to overwhelm her. I dont want to smother her with words again. And. I dont want to scare and lose her again even as a friend for now. When she looked up to me I wanna kiss her on the lips pero sa cheeks nalang. So we ended with that. I hope that next sunday matutuloy tayo and it will be like this again. I dont care what we are now. I just want you with me, by my side and me by your side. -ILYAAF













