My post-breakdown glow up. Chz
Oras na naman para magkubli sa likod ng matatamis na ngiti. Breakdown ka lang saglit tapos, laban na naman sa buhay.
Nagka moment na tuloy ako sa shower, hirap pala pigilan ng iyak kahit naliligo ka. Ewan bigla na lang nagpatong patong mga iniisip ko that day, puro problema. Di na kaya pigilin, kusang lumabas.
And this time, gustuhin ko mang pigilan, mas lalong lumalabas…
ang bigat…
ang lungkot…
walang makausap dahil lahat ay may kanya kanyang buhay…
Pero kailangan masanay, na kayanin kahit mag-isa.
At ngayon, kwento na lamang ito, dahil naikubli na uli sa likod ng matatamis na ngiti.







