Sa Akin
Saan aawit ang mga salita?
Sa bawat istorya ng tadhana,
O sa bawat katha ng makata?
Sayo ko lang narinig ang kanta
Gawa ng mapanlinlang mong dila.
Heto ako, sa ‘yo umaasa
Sa bawat awitin mo sa ‘kin pa.
Naniniwala ‘kong gago’t tanga,
Sayo ako ay wala lang pala.
‘Di na muli pang mamahalin ka
At mga salita mo ay lintik na,
Sa aki’y hindi na aawit pa.













