Di mo kailangang intindihin ang bawat bitiw ng kanyang talinghaga
Pero di mo rin magagawang itanggi na siya’y may dalang hiwaga
Nagtataka, naiintriga kung bakit ikaw sa kanya ay namamangha
Nasabi sa sariling nahulog ka na sa kanyang salamangka
Eh wala naman siyang mahika at lalong wala naman siyang ginawa
Siguro di mo namalayan tinamaan ka na pala sa kanya
// 7|18|17
















