Hindi sa lahat ng panahon ay masasabihan ka na may mali
Hindi sa lahat ng oras pupwede kang lumapit at magtanong
Siguro naman halata na sa mga kilos at galaw niya
Matuto ka namang makiramdam
Wag ka namang mag bulag bulagan
Diba, nakikita mo naman ng lantaran?
Ba’t gusto mo pa ring ipamukha niya sa’yo?
Makakaya mo bang harap harapang sabihin niya sa’yo ang katotohanan?
Makakaya nga ba niyang sabihin ang katotohanan sa’yo?
Hindi lahat kailangan idaan sa paulit ulit at nakakasawang katanungan
Hindi mo na kailangang marinig pa mula sa kanyang bibig ang mga kasagutan
Alam mo na sa iyong sarili, diba?
Maawa ka naman sa sarili mo, wag mo nang pahirapan.
Makiramdam ka, hindi lang din ikaw ang nahihirapan.
Ba’t mo pa siya sinusubukan? Ba’t mo pa pinipilit ang hindi na pwede?
Sa ginagawa mong iyan, hindi niya maiwasang makasakit sa’yo sa katotohanan na alam mong may bahid na kasinungalingan
Alam mo na kasi ramdam mo.
Wag mo na siyang hayaang tuluyang magsinungaling.
Makiramdam ka na lang at alamin mo kung anong nararapat gawin
Wag mong asahang agad agad babalik sa dati ang mga bagay bagay
Bigyan mo siya ng panahon upang makalimot sa pait ng nakaraan
Makiramdam ka kung kakailanganin mong lumayo sa kaniya
dahil baka siya na mismo ang lalayo sa iyo.