Teleber Effect
Para lang makasabay kay Marcelo, magtatagalog muna ako. Haha!
Sa ngayon, twitter na lang ang tinuturing kong night life. Hindi naman sa mahilig akong gumala sa gabi dati, kundi naging masaya lang ako kapag kausap ko yung mga friends ko sa twitter na para bang kasama ko sila, tapos ang lakas lakas ng kwentuhan namin, na tipong buong mundo, naririnig at alam ang pinag-uusapan namin. Haha! Natutuwa rin ako kapag nakikisali ako sa mga trending game ng mga twitter royalties. Kumbaga, nakakita ako ng bagong social life. Hahaha! Yung kausap mo yung mga hindi mo naman kilala sa personal, nakikisabat ka sa usapan ng iba, susundan mo yung mga taong crush mo or idolo mo, at magiging updated ka kung ano ba ang trending.
Madami na ako nakilala dahil dito. Yung iba naging kaibigan ko na sa personal at yung iba, snob pa rin ang beauty ko. Haha! Pero, di naman karamihan ang followers ko. Feeling lang! Ilan sa mga followers ko, yung mga tulad kong adik lang sa basketball. At yung iba, ewan ko sa kanila. Haha! Pero, anyway, kansahamnida!
Napansin ko lang ang haba ata ng opening ko. Haha! Ang gusto ko lang naman talagang sabihin, ang ganda ng live streaming ng Iloveyou Teleber nila Marcelo Santos III at Tj Monterde. Haha! Nung una, diko sya naabutan ng live. Pero, I visited the site. Kaso ayun nga, Open-Mouth Scenario. Tapos na yung live streaming. Nung una, wala pa akong alam na live pala yun, akala ko video lang na in-upload ni Marcelo. Then, click ako ng click sa ilalim, dahil sa pag-aakala ko na parang youtube sya na may “Play” and “Stop” button. Sinisi ko pa yung internet connection namin kasi ang bagal bagal kako, ayaw mag-play. Pero, dun ko napagtanto (ang lalim haha) na ang ENGOT ko pala talaga. Haha! Di ko napansin yung “Off Air” sa ilalim. Hahaha!
Last night, sa pag-open ko ng account ko, bumungad agad sakin yung tweet ni Marcelo. Crap! Mapapanuod ko na siya ng Live! Haha! Kasi naman, di ako mahilig manuod ng TV, yung mga teleserye na badudels, tsaka yung mga artista search kemerlu. Haha! Buti sana kung basketball yan, pagpupuyatan ko. Haha! So ayun na nga, I visited the link, then the first person I noticed was TJ Monterde. Oh my G! Such a handsome guy. Haha!
I did enjoy the songs they used to play. Lalo na yung mga kantang wala naman sa hulog. Haha! I mean, yung mayroon silang sariling tono. Ang kulit lang nya. Haha! Idagdag mo pa yung mga istorya ni Marcelo. Grabe ha! Dun sa “Para Kay Ex”, di man ako makarelate. Haha! Natutuwa lang ako pakinggan silang dalawa. (Pause. May nagtext sakin. Teka, replyan ko muna. hehe!)
Nasaan na nga kasi ako? Haha! Ayun na nga, may pakulo pa silang comment comment. Syempre, nakisali-sali na naman ako. Ayun pala, nagte-tweet rin pala yun sa real account ko. Ang slow ko talaga noh? Haha! Ay may kwento pa pala ako. Medyo may background kasi ako kagabi habang nakikinig sa kanila. Haha! Yung tita ko at yung partner nya, nag-aaway at ang moment ko naman, dedma lang tsaka kunwari walang alam. Haha! Naka-head set kasi ako then nakatalikod sa kama. Haha! So, kunwari diko sila napapansin haha!
Tapos, natuwa ako nung binati ako ni Marcelo. Haha! Or baka ibang JECA yun?? Haha! Pero yung pabati ko kay TJ, hindi natupad. Asar kasi si Marcelo. Haha! Biro lang. Loveyou!
Ito na yung sinasabi ko, basahin kaya nila to? Ang hirap ha. Hehe. Hindi kasi ako sanay magsulat ng ganito, English ang forte ko sa totoo lang. haha! Pero sana basahin nila, tas sabihin nilang naappreciate nila to kahit papilit lang. haha!
Pwede na siguro ko mag-english. Hehe!
Just want to ask, when will be the next streaming of Iloveyou Teleber? Let me know ok? Haha! Ok, let’s call it a day, good night! I hope I could see the both of you personally. J











