Bakit ba tayo iniiwan?
Kung napanood niyo na ang palabas na “One More Chance” siguradong alam niyo na ang linyang ito:
“Baka kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal naten, kase baka merong bagong darating na mas OK, na mas mamahalin tayo, yung taong hindi tayo sasaktan at paaasahin, yung nagiisang taong magtatama ng mali sa buhay naten, nang lahat ng mali sa buhay mo.." - Popoy Madaming dahilan kung bakit tayo iniiwan ng taong mahal natin. Minsan kasi dahil sa ugali natin, minsan kaiwan iwan talaga tayo or minsan kung sino pang nang gago sila pa ang mang iiwan. Ngayon, ibibigay ko ang pinaka common na 10 dahilan.
1. Kasi panay sarili mo na lang iniisip mo.
“Tang ina. Pwede bang ako naman?”
Minsan kasi immature tayo. Palagi na lang sarili natin iniintindi natin. Kakaintindi natin sa sarili natin hindi na natin maipakita sa taong mahal natin yung halaga din nila. Palagi ka na lang “ako” iniisip mo. Antaas pa ng pride mo.
2. Hindi kasi tayo nakukuntento sa isa
“Example ng di makuntento sa isa”
Malaking problema yan! Kasi kahit anong gawin mo kung makati talaga, titingin at titingin yan sa iba. Hindi na dapat pinagaaksayahan ng panahon ang mga taong ganyan. Cancer sa lipunan.
3. Kasi ginawa ka lang pass time
“Kung pang-passtime at panglandian lang ako. Paki inform naman ako.”
Ginawa ka lang rebound pero sa huli iiwan ka din lang naman. Nilandi pero iniwan din. Kupal ang mga taong gumagawa niyan dapat sinusunog. *evil laugh*
4. Kasi nanlamig
“Tag-ulan na kasi kaya siya nanlamig.”
Minsan bigla na lang siyang hindi nagparamdam, hindi na siya sweet tapos mamaya nakipag break na. naranasan mo yun? Nakakagulat di’ba?
5. Kasi matakaw tayo
“Baka kaya tayo iniiwan ng taong mahal natin kasi lamon tayo ng lamon”
Sa sobrang takaw mo pinapapayat mo wallet niya. Presyo nang kinakain mo pang limang tao. Magtipid tipid din.
6. Kasi naka-score na kaya iniwan ka na
“Sa una proprotektahan pag naka score tsaka iiwan. Basketball yan e 😊”
Nakuha na kasi nila gusto nila sa iyo kaya pag gising mo isang araw wala na siya. Iniwan ka na. Wasak ka na nga, ginagago ka pa. dapat pinuputulan ng ari yung maga taong ganto ee.
7. Kasi na fall out of love na kayo
“Taman a, masyado na nating nasaktan ang isa’t isa. Hindi na natin kayang buuin kahit anong pilit natin dahil para bang tinadhana na was akin natin ang bawat isa.”
Pag gising mo na lang isang araw, susuko na kayong dalawa. Yung payag na kayong dalawa na maghiwalay na. Kasi na sobrahan na yata pagmamahal niyo sa isa’t isa. Totoo nga sabi nila lahat ng sobra nakakasama.
8. Kasi natakot sa salitang COMMITMENT
“Takot na ako sa commitment.”
May mga tao kasing ang galing manlandi pero kapag andiyan na si commitment bigla silang magiging MIA missing in action.
9. Kasi hindi pa siya nakaka move on sa past niya talaga
“Ang hirap mag move on lalo na kung nakakapit ka pa sa mga salitang “baka pwede pa?”
Minsan kasi inlove pa siya sa past niya pero ang galling galling niya pumasok sa isang relasyon kahit alam niya yun. Nakakainis lang diba? Pa fall ang gag*
10. Kasi baka may dadating pang mas better
“Kaya tayo iniiwan ng taong mahal natin kasi baka meron bagong darating na mas okay. Na mas mamahalin tayo. ‘yong taong hindi tayo sasaktan at paaasahin.”
Baka hindi pa dumadating yung taong para sayo. May mga bagay kasi tayong hindi natin maintindihan minsan hindi natin alam namimiss na pala natin yung bigger picture. na minsan kaya tayo iniiwan para dumating yung taong mas better para sa atun.
Relate ba much? hahaha charot. Kung may madadagdag ka pa comment mo lang below!
Credits: All pictures are from @Hugot Snap













