Okay as usual magkkwento about sa first day haha. So yon nagising ako before five tas mga 10 mins ako nagtwitter tas naligo na tas kain tas yun dumating na service. Pagpasok ko xhet dami tao malamang tas yun nung nagbell akyat na agad ako with edgar and alyssa. Grabe yabangis namin umakyat eh tas hingal na hingal kami grabe haha kasi 4th floor ba naman. Hay ang aga aga syempre pawisan ;__; then yun nagdaldalan na kami sa taas. Tas yon ANG INGAY NI MARCIAL GRABE (insertjoshua) HAHA. Then yon dumating na si sir carlos, biglang tahimik agad eh haha. Tas yon ang chillax lang kasi binabara niya yung iba ganon parang magkaklase lang ganon pero ayaw niya ng maingay haha. Nagpakilala rin pala sa harapan. Sasabihin lang name, age, birthday tas something about yourself. Laughtrip ulit haha. Tas yun may pinagawa samin, sa 1/2 crosswise na papel, pinafold tas sa left side yung expectation sa adviser (sr carlos) tas sa right side yung mga description sayo ng kaklase mo. Bale pinasa namin yung papel 9 times tas 9 rin na papel yung nasulatan ng bawat isa :) tas binasa ni Sir yung nandon sa decription as usual laughtrip kase tas yung sakin yung sinabi ni sir na nasa papel is, simple, mabait, magaling sa computer, magaling sa photoshop. Yun lang haha atleast walang mga chorva no haha. Pagtas non wala na kaming magawa kaya nag game kami. Alam nyo yung magbibilang tas dapat walang magkakasabay? Yon haha may consequence yung mga nagkasabay. Yung iba kumanta tas yung iba magppose tas ppicturean tas laughtrip nanaman hahahaha. Tas may orientation chorva then nameet namin si Sr Theo although teacher na namin sya dati yun nirefresh nya mind niya sa mga names namin tas sabi pa sakin, "eto rin si theresa parang walang pinagbago" haha eklabu talaga non haha tas Chemistry time na yon. Waley lagi si Ms. Ochangco. Kawawa di tinatawanan yung jokes niya haha. Tas pala every break time diba bababa tas pagbell syempre akyat tas yung normal na maririnig mo sa iba, "malapit na ba?" Kasi nga antaas nung samin haha. "Ang init!" As usual. "Ka-hingal" kasi totoo naman haha. Yun lang tas bumili kamo sa corndog-an dun sa patyo, nagproben tas umuwi na. Gulat nga ko eh paglabas namin ng corndog-an sobrang onti na ng Josephians haha bilis nila ahhh haha o may gala ganon okay nagkasugat pako sa paa kasi nga bago sapatos hay nadugo siya ngayon pero mas pinili kong magblog before ko lagyan ng band aid haha good afternoon gaiz