The Intramuros Collective
seen from Australia

seen from Netherlands

seen from Türkiye
seen from Türkiye

seen from Colombia
seen from Yemen
seen from United States
seen from China
seen from Germany

seen from Italy

seen from United States

seen from Austria

seen from Türkiye
seen from Japan

seen from Netherlands
seen from United States

seen from United States

seen from Brazil

seen from Dominican Republic
seen from United States
The Intramuros Collective
The Intramuros Collective
Intramuros, also called the Walled City, and at the time of the Spanish Colonial Period was synonymous to the City of Manila. Other towns located beyond the walls are referred to as "extramuros", the Spanish for "outside the walls". It was the seat of government and political power when the Philippines was a component realm of the Spanish Empire. It was also the center of religion, education and economy. The standard way of life in Intramuros became the standard way of life throughout the Philippines.
(c) Wikipedia
During our visit, we traversed the enormous wall of Intramuros. Looking at its remaining historical figures, the walls are really durable since they reached this far without crashing down. I myself realized a lot within our travel here.
So without further ado, here is my Intramuros collection of poems.
Pader
Pader
Ang mga pader ay maituturing na mga harang.
Na sila ang naghihiwalay ng mga puwang;
Ng mga espasyong dapat na inaangkin.
Na ito ang sa iyo, at ito ang sa kanya, at ito ang sa akin.
Narito ang iyong parte at walang sino man ang maaaring humadlang.
Walang sino man ang maaring kumuha nito at mananatiling sa iyo lamang.
Nakita kita noong nakasandal ka sa isang pader.
Sabi mo, napapagod ka nang bumaling sa mga espasyo mong matagal mo nang gustong lagyan ng laman;
Na ang mga pader na lamang na tangi mong tinititigan at pati sila’y wala na ring kulay.
Sabagay, sino ba naman ang matutuwa kung espasyo na lang ang bumubuo sa’yo?
Sinabi ko, bakit hindi mo subukang maghanap? Baka kapag habang naroon ka sa proseso, matagpuan mo ‘yung tamang pupuno o kahit man lang magbigay paliwanag kung bakit matagal na silang nanatiling mga espasyo.
Tinawanan mo ako.
Hindi ito ang inaasahan kong sagot mula sa’yo.
Sabi mo, natural na ‘yan sa tao;
Ang maghanap.
Sabi mo, nagawa mo na ‘yan;
Ang sumukat ng iba at baka maging sakto iyon sa dapat mong paglagyan sa kanila.
Pero walang nagkasya.
Pero hindi ka natinag.
Sabi mo, naghanap ka pa at naghanap ka pa at nang nahanap mo siya, ang espasyo mo’y hindi na kagaya ng dati.
Napuno sila ng, “May gagawin ka ba mamaya? Tara labas tayo.”
Ng mga, “Bakit ang ganda ganda mo? Lalo tuloy ako nahuhulog sa’yo.”
Ng mga, “Alam mo bang ang saya ko kapag kasama ka.”
Ng mga, “Goodnight. Tulog na tayo. Mahal kita.”
Hanggang sa, “Wait lang ah, may tatapusin lang ako saglit.”
Hanggang sa, “Di muna ako makakapunta, andamo ko pang ginagawa.”
Hanggang sa, “Ngayon ba anniv natin? Sorry di ko naalala.”
Hanggang sa, “Mahal, sorry hindi ko na pala kaya.”
Natawa ka ulit.
Sabi mo, pinuno niya kasi masyado lahat ng espayo mo hanggang sa dumating ‘yung araw na hindi niya na kayang manatili kasi masyado nang masikip.
Hindi na raw siya makahinga.
Ang sabi mo pa, baka kaya pala talaga ginawa ang mga pader para magsilbing mga harang.
Baka nariyan talaga sila upang maghiwalay sa mga puwang.
Na ito ang sa’yo, at ito ang sa kanya, at ito ang sa akin.
Baka nariyan ang mga espasyo para manatiling mga espayo lang.
Na kung dumating man ang panahong inangkin na niya lahat ng puwang sa puso mo, nariyan pa rin ang espasyong nakalaan para naman sa sarili mo.
-Intramuros Collective
Kailangan
Kailangan
Isang kakulangang pinupuno, ngunit isa ring kondisyon sa mga sitwasyong kagaya nito: ikaw at ako.
Hindi naman siguro mainam na tawagin natin itong kagustuhan. Hindi ‘to isang laro ng habulan kung saan magpapataya ka kung gusto mo maghabol o tatakbo para makaiwas sa kung sinong tataya sa’yo; Hindi ‘to ginugusto kung gusto o inaayawan kung ayaw mo.
Kailanman ay hindi naging kagustuhan ang isang pangangailangan.
Ngunit paano?
Hanggang “kailangan” na lamang ba tayo?
Kailangan natin ang isa’t isa kasi kailangan mo lang ako at kailangan lang kita? Kailangan bang walang gagalaw at kailangan bang walang matutumba? Kailangan bang dito lang ang hangganan nating dalawa?
Kailan madadagdagan ng “Gusto rin kita” ang “Kailangan kita”?
Alam mo, ikaw na lang ang hinihintay ko. Hinihintay na gustuhin mo rin ako at hindi hanggang “kailangan” lamang tayong dalawa; Hindi hanggang kailangang may kondisyon ang tanging sitwasyon nating walang kawala; Hindi pwedeng matunaw na lang ang lahat ng mga pangako at mga salita; Hindi. Hindi.
“Gusto kita at kailangan kita, ngunit kailangan mo nang magpasya.”
-Intramuros Collective
Kulong
Kulong
“Subukan natin?”
“Sige. Basta sandali lang. ‘Tsaka, ‘wag natin masyadong seryosohin.”
“Sige. Kaso, pa’no kung gustuhin pa natin?”
“Edi pilitin nating tapusin. Tutal, sinusubukan lang naman natin. Hindi naman ‘to magtatagal.”
“Sinabi mo ‘yan ah?”
“Oo.”
__________
“Gutom na ako, sa’n mo gusto kumain?”
-Una
-Intramuros Collective