Walang vacant kawawa naman kami. 10 AM pa pasok ko pero pinapasok ako ni Darlina ng maaga. 7AM pa sabi niya, too early. Ayaw niya pa pumayag na ayaw ko pumayag haha, tinawaran ko, naging 8:30AM. Papasok kami/siya ng maaga kasi aayusin niya ga subjects niya, nagloko nanaman online kaya no choice kundi pumunta sa registrar's office talaga. Sa registrar's office na sobrang daming tao. Ay, napilit niya pala akong mapapasok ng maaga kasi ililibre daw niya ako ng smart c na malaki. Basta wala kaming napala dyan nung umaga.
English first class namin, medyo boring he he tapos next Fili. Akala ko boring din kasi, nung una, trinanslate lang nung prof namin yung pinagsasabi nung prof namin kanina sa English, pero nung tumagal, shit men x men, ang cool ng prof. Way toooo cool. Di ko akalain, di NAMIN akalain. Kasing lalim ng boses niya yung mga pinagsasasabi niya sa harap kanina. Tapos habang nagdidiscuss siya, nag jojoke siya, puro mga havey. Ang galing hahahaha. Nung una nacorny-han pa ako kasi, kuha 1/4, sulat pangalan number email address, pati title ng gusto mong gawan ng paper(AGAD AGAD) pero okay lang ang astig niya eh. Btw, babae siya. Ang sayasa klase niya. Prof talaga nagdadala eh, kahit ayaw mo ng subject makikinig at makikinig ka.
Dapat pagkatapos ng FILI, vacant namin, pero ginawa na naming oras yun ng Theories of Personality (major namin) kasi yun na lang yung available na time. Tuwing tuesday and thursday namin siya tinatake, kapag tue sa COS107 kami tas kapag thurs sa CIH kami. Grabe sa ibang building pa pero okay lang yan, masasanay din ako. Nung pumunta kami sa room, ang lakas ng feeling ng kaklase kong walang dadating na prof, tas ang galing wala ngang dumating haha. Habang nag iintay pala kami, natripan ko eye liner ng kaklase ko. Nagpalagay ako tapos sabi nila Krisha at Darlene bagong buhay at dalaga na daw haha. Nakakaburyo kaya mag hintay sa wala hahaha. Kaya kumain na lang kami tapos SOSCI na.
Pramis akala ko talaga uwian na pagkatapos nung theories namin, nakalimutan kong may sosci pa pala kami. Irreg feels haha. Nakakaboring, ewan, ayoko talaga sa history eh. Daming irreg din tapos yung prof namin kanina, hindi talaga yun yung prof namin, iba pa. Buti na lang maaga nagpapadismiss ngayon kaya masaya haha.
Bago kami umuwi, bumalik kaming admin, sa registrar's office. Grabe, dumoble dami ng tao. Tapos nung una patunga-tunganga lang kami dun hanggang sa naisipan ni Darlene magtanong sa guard tapos pinapasok siya. Nagulat din ako dun eh kasi nasa labas yung pila hahaha Tapos matagal pa din akong nag hintay pero naayos na din naman na. Sabi ko sa kanya huhuntingin siya nung mga nakapila dun kanina haha. Swimming bukas yehet.
(pahabol: ang daming pogi pala dito. nung una akala ko wala, kala ko puro koreano lang makikita kong pogi, eh nung hinihintay ko kanina si Darlene, dami ko nakita shet. it's raining men hahaha landi!)