Nagseselos ako sa mga taong madalas mong kasama. Sa mga taong parati mong nakakatext. Sa mga taong parati mong nakakatelebabad. Sa mga taong nayayakap ka. Sa mga taong may puwang sa camera roll/ gallery ng phone mo. Sa mga taong laging nasisilayan yung matatamis mong ngiti. Sa mga taong parating naririnig yung nakakatawa mong tawa. Sana ako na lang yung mga taong yun. Pero come to think of it. Parati ka nga nilang kasama ngayon, balang araw naman ako na yung lagi mong kasama. Sana... Sana nga.










