Ang Islam ay nagtuturo ng pagkakaisa at pagtutulungan sa mga gawaing mabuti at pagsamba sa Allah, mga gawaing nagdudulot ng pagkatakot sa Allah na nagbubunga ng napakaraming kabutihan. Sa kabilang banda, ang Islam ay nagbabawal din sa pakikipagtulungan sa mga gawing ipinagbabawal o labag sa kalooban ng Allah, mga gawaing nagdudulot ng kaligawan, at nagbabawal din Ito sa pakikipagtulungan sa mga gawaing nagdudulot ng pagkakawatak watak na siyang nagiging dahilan ng pag-aaway away at kaguluhan, at nagbubunga ng kahinaan ng pagkakapatiran sa Islam. Bilang patunay, ang Allah ay nagsabi sa banal na Quran: ﴿....وَتَعاوَنوا عَلَى البِرِّ وَالتَّقوى وَلا تَعاوَنوا عَلَى الإِثمِ وَالعُدوانِ وَاتَّقُوا اللَّهَ إِنَّ اللَّهَ شَديدُ العِقابِ﴾ [Al-Mâ'idah: 2] "Magtulungan sa KABUTIHAN at PAGKATAKOT sa Allah, at wag magtulungan sa KASALANAN at PAG-AAWAY AWAY, pangambahan mo ang Allah sapagkat ang Allah ay matindi sa pagpaparusa sa sinumang sumuway sa Kanya" [Surah Al-Maidah: 2] #islamicunity #AllahuAkbar #islamicreminder #IslamIsGenerous















