isang chat lang sakin, sagot agad ako. pero kapag ako naman kung hindi isiseen, hindi babasahin.
kapag naman may ipapasuyo sakin, sunod agad ako kasi ayos lang naman sakin pero kapag sakin hindi.
kapag naman kailangan mo ng kasama, andito naman agad ako para samahan ka pero kapag ako naman kailangan ko ng kasama. ayaw moko kasama
kapag naman tinatanong moko kung busy ako sabi ko hindi kahit na oo pero kapag ako naman ang nagtatanong kung busy ka, oo agad o hindi naman pero wala pa rin.
kapag naman niyaya mo ako, sama naman agad ako pero kapag ako naman niyaya kita ang daming dahilan.
kapag naman may problema ka todo rescue agad ako pero kapag ako naman wala. walang oras kasi para makinig sakin siguro nagsawa na kasi paulit ulit lang.
kapag naman nagplano ka ng gala sige agad ako o nagpapasama ka ayos lang kahit na may ibang dapat ako gawin kasi ayaw kitang mareject pero kapag ako naman ang dali mo tanggihan. puta ang saket. umasa sa wala. excited ka na tapos biglang hindi matutuloy.
ganon na ba ko kawalang halaga sayo o busy ka lang talaga? o akala mo kasi maiintindihan kita palagi pero hindi talaga. nakakasawa na umintindi kung ganito lang din naman. siguro nga hindi naman kaibigan turing mo sakin. oo, masakit pero un kasi ung palagi kong iniisip kapag binabalewala moko. siguro nga hindi pa rin sapat ung pinapakita kong efforts para sabihin na sobrang halaga ng pagkakaibigan natin. palagi na lang ba ganito, ako iintindi. oo alam ko namang iba priority mo pero kahit kaunting oras lang naman hindi pa mapagbigyan. oo iba kaibigan mo, siguro nga. boring kasi ako kasama hehe ayos lang naman nasasanay na rin naman ako. pinipilit ko namang intindihin ka pero kasi sobra na. hindi ko na kayang intindihin. parang tinetest mo ung patience ko kung hanggang saan lang ba ko. kung hanggang saan ko kayang tiisin ung pambabalewala mo sakin. ang hirap kasi ipagsiksikan nung sarili ko sa buhay mo. madami naman akong kaibigan. sa kanila na lang ako sisiksik, sa kanila tatanggpin nila ko with matching open arms pa. yaan mo mamimiss mo rin naman kakulitan ko. mamimiss mo rin ung kaibigan na parang little sister mo na on-the-go sa lahat basta ikaw kasama o involve.
sana sa susunod. tumupad ka naman sa mga binibitawan mong salita kasi ang sakit sakit na.