2014 TIPS NI CLIO BARBERO:
-TUPARIN ANG NEW YEAR'S RESOLUTION NA NILISTA MO. -Panindigan mo ang diet at work out na sinasabi mo. -Huwag magpaputok. Delikado. Nakakamatay. (Pwede ding makabuhay.) -MAGTIPID. -Maging masaya. -Pahalagahan ang sarili. -Laging ngumiti. -Magmahal ng walang hanggan. -Magsimba at magdasal araw-araw. -Iwan lahat ang bad vibes sa taon na ito at salubungin ang 2014 ng good vibes. -Magmove on ka na, hindi ka na niya mahal. -Huwag kang maghabol, hindi ka aso. -Huwag ipagpilitan ang sarili, hindi ka sardinas. (Amoy sardinas pwede pa.) -Mag-aral ng mabuti. HUWAG KOMOPYA SA KATABI. -Mahalin mo ang trabaho mo. Iwasan ang boss lalo na kapag first cousin ito ni Lucifer. -Huwag magsuot ng butas na kulay red na brief/panty para hindi lamigin ang love life. -Bawas-bawasan na ang pagiging malandi. -Magkaroon ka ng sarili mong love life. Huwag mang-agaw at makihati. -KUMALMA KA.
Meron kang 365 days para gawin ang mga 'yan pero mas maganda kapag forever nalang. :)
HAPPY 2014!














