sana bumalik nalang tayo sa dati.
alam mo konting sinsiredad lang naman yung gusto ko e. alam na alam mo naman na hindi kita natitiis diba? konting pagpapakita lang sana na seryoso at may mahalaga ako sayo baka sana bumalik tayo sa dati. andito na ko sa manila pero hirap na hirap parin ako makausap ka. alam ko naman na marami ka ng nakakausap na iba kaya di kana nagtyatyaga sakin pero alam mo miss na miss na kita. miss ko na yung magsend sayo ng long messages every morning, miss ko na rin yung pangungulit mo at panunuyo mo sakin pag galit ako. yun lang naman yung gusto ko, ipakita mo sakin na worth it ako. pakitaan moko ng efforts baka sakaling sipagin namaman ako sa pagiging tanga sayo. magsorry ka yun lang, at gustong pag ginawa mo yum e totoo na talaga na you feel sorry. eto na ha binibigay ko na yung hint na kung ano mong pwedeng gawin para maging okay tayo, napaka insensitive mo lang kasi e. oo tumatawag ka, pero di na katulad nung dati e, tsaka siguro nga talaga, na wala na kong halaga sayo. pero kung meron man sana bumalik nalang tayo sa dati. yung masaya, makulit tsaka sweet. sobrang miss ko na yun e.














