Bliss (2017) By @jerroldtarog @jtarog @BLISSfilmPH Literal na Rated X ang Bliss ni Jerrold Tarog. As in eXtra ordinary at eXtremely awakening. Mapapa- Put*ng in* (insert @missizacalzado 's voice) ka sa ganda ng pelikula. Ibang Iza Calzado yung aktres dito, para syang pokemon monster na mula Clefairy ay naging Ekans, tipong Hermione Granger to Bellatrix Lestrange. Ang galing din ni Adrienne Vergara "The Nurse". Sya yung tipong bagong sabak sa pelikula pero ginalingan ng husto. Sobrang tusok-balibag-chokeslam nung back story nya sa pelikula. Other cast such as TJ, Ian, Sharmaine did a great job as well. Yung Bliss ay yung tipo ng pelikula na gugulatin yung kaluluwa mo, hindi lang dahil sa sounds effects ng pelikula, kungdi dahil sa istorya mismo. Aalugin nito yung upuan mo para tumayo ka sa mga pangyayari sa paligid mo na minsan mo nang nilampasan. Kukurutin ka nito sa talukap ng mga mata mo para mas buksan mo ang pake mo sa mga taong may mental/emotional/personal struggle mula sa childhood nila hangganArtikuloUnokuyan. Ganitong pelikula yung mas kailangan natin. Hindi lahat nang-nagpapakita ng dede sa pelikula ay kalaswaan o libog ang hatid. Hindi sa utong tatakbo ang istorya ng Bliss. Kaya sana mabigyan sila ng pagkakataon na ipalabas ito sa madla. P.S. Isa ako sa pumila sa UP Film Institute kahapon para sa free screening ng Bliss at maswerte naman akong nakapagregister at nakapasok. At kahit standing na lang, worth it yung halos 3 hours na pila. Kaya salamat sa mga taong nasa likod ng event kahapon at sa pelikulang Bliss. #ATasteOfBliss #JerroldTarog #TBA #ArtikuloUno (at UP Film Institute)









