Ang landi lang ata ng title ko? Sa LRT kanina, nakita ko siya. Sa hagdan. Nagsisintas. Oo, siya 'yon. Na naman? Hindi ko nilapitan. Ang ginawa ko, naglakad ako nang mabilis. Kasi kapag sumabay ako sa kanya, wala naman akong masasabi. Ang boring ko eh. Then I realized, I felt, sinusundan niya ako. As in nasa likod ko lang siya. Alam niya kayang alam kong 'ramdam' ko siya? Binilisan ko pa ang lakad. Abaaa, humahabol. Kaya natutuwa ako sa mga salamin. Tumapat ako, nakita ko siya. Yung salamin ng tindahan. Not the mirror na tinitignan ng mga nagpapaganda't nag aayos. Yung lagayan ng mga tinda. Nasa likod ko pa rin siya. Nakikipaglaro ka ba? Binilisan ko pa. Tumawid. Peripheral view, nakita ko siya. Malamang pansin na niyang nakita ko siya. Isa pang lingon. Tumawa siya. Nagtagpo na ang aming mga mata. Pumasok! ng building. Tumambay kasama ang mga kaklase bago magsimula ang first period. Dun ko napansin, pawis na pawis siya. O medyo lang. "Grabe, ang bilis mo maglakad! Hahaha!" sabi niya. "Kanina pa kita sa LRT nakita, eh. Alam mo yung binilisan ko na nga, hinabol mo pa rin ako. Hahaha!" Pero di ako hiningal o pinagpawisan. Sanayan lang yan. So ano, habulan ulit tayo, Jhomel Villanueva? Hahahaha! XD [HABULAN eh naglakad lang??]